ANG KORTE AY WALANG KAPANGYARIHAN NA PILITIN ANG ASAWA NA MAKISAMA - TopicsExpress



          

ANG KORTE AY WALANG KAPANGYARIHAN NA PILITIN ANG ASAWA NA MAKISAMA SA KANYANG ASAWA SA IISANG BUBONG NA LABAG SA KANYANG KALOOBAN. ANG FAMILY CODE AY NAGBIBIGAY NG OBLIGATION SA MAG-ASAWA TO LIVE TOGETHER, OBSERVE MUTUAL LOVE, RESPECT AND FIDELITY NGUNIT WALANG BATAS NA NAGPIPILIT SA ISANG TAO NA LABAG SA KANYANG KALOOBAN NA MAKISAMA SA KANYANG ASAWA SA IISANG BUBONG. May nagtanong sa E-Lawyers Online kung pwede daw ba siyang dumulog sa korte at pilitin ang kanyang mister na makisama muli sa kanya sa iisang bubong bilang mag-asawa pagkatapos nilang magkaroon ng malaking away at maghiwalay. "Attorney, nagkaroon kami ng away ng mister ko dahil mayroon siyang naging ibang babae. Inaamin ko rin naman po na mayroon din ako pagkakamali ngunit dahil lumaki ang aming away ay natuluyan kaming maghiwalay na ngayon ay 6 months na. Pwede ko ba siyang sampahan ng kaso sa korte para pilitin siya na bumalik sa aming bahay at makisama sa akin bilang asawa?" Nasa Article 68 ng Family Code na ang mag-asawa ay may obligasyon na magsama silang dalawa sa iisang bubong at magmahalan, magrespetohan at maging matapat sa isat-isa at magtulungan at magsuportahan. "Art. 68. The husband and wife are obliged to live together, observe mutual love, respect and fidelity, and render mutual help and support." Ang obligasyon na ito ay may obligasyon na sibil na walang karampatang kaparusahan na kulong at meron din na penal o penal obligation na may karampatang kaparusahan na kulong. Kung ang mga obligasyon na ito ay hindi nasunod, pwedeng sampahan ng kaso ang asawa na hindi sumunod. Katulad ng nasa Article 100 ng Family Code, ang asawa na umalis sa bahay o ayaw tumira dito ng walang sapat na dahilan ay walang karapatan sa support at ayon naman sa Republic Act No. 9262, ang hindi pagbibigay ng suporta sa anak at asawa ay isang krimen na may parusang kulong. Ngunit walang batas na nagpipilit sa isang tao na makisama sa iisang bubong sa kanyang asawa na labag sa kanyang kalooban. Kung ayaw na ng asawa na makisama o tumira sa isang bahay kasama ang kanyang asawa, siya ay hindi pwedeng pilitin ng kahit sinuman. Walang batas o korte na nagpwepwersa sa isang asawa, na labag sa kanyang kalooban, na patuloy na makisama o tumira sa isang bahay kasama ang kanyang asawa. Sa isang Supreme Court case na Ilusorio vs. Ilusorio-Bildner (G.R. No. 139789 July 19, 2001 and G.R. No. 139808 July 19, 2001), dito sinabi ng Supreme Court na ang decision ng asawa na ayaw makisama sa kanyang asawa ay hindi sakop ng batas at kapangyarihan ng korte dahil ito ay depende sa malayang pagpili ng tao sa kanyang buhay. Sinabi ng Supreme Court sa nasabing kaso na “no court is empowered as a judicial authority to compel a husband to live with his wife. Coverture cannot be enforced by compulsion of a writ of habeas corpus carried out by sheriffs or by any other mesne process. That is a matter beyond judicial authority and is best left to the man and woman’s free choice.” Samakatuwid, ang korte ay walang kapangyarihan na pwersahin ang isang tao na labag sa kanyang kalooban na makisama sa kanyang asawa dahil ang freedom ng isang tao na makisama o hindi makisama ay dapat igalang ng korte. Ang freedon of choice ng isang tao ay protektado ng ating 1987 Consitution under our "due process clause" at sa "freedom of expression and freedom of association." Sa freedom of intimate association, ang member dito na mag-asawa ay may freedom to associate and disassociate. Kung kaya ang freedom of choice ng isang tao na hindi makisama sa kanyang asawa sa iisang bubong ay dapat na igalang. Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa mga rights and obligation sa marriage at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at e-lawyersonline . Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link facebook/E.Lawyers.Online. All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.
Posted on: Fri, 21 Jun 2013 09:21:51 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015