ANG MARRIAGE LICENSE AY ANG LISENSIYA NA KINUKUHA SA LOCAL CIVIL - TopicsExpress



          

ANG MARRIAGE LICENSE AY ANG LISENSIYA NA KINUKUHA SA LOCAL CIVIL REGISTRAR KUNG SAAN RESIDENTE BAGO IKASAL AT KAILANGAN ITO NG IKAKASAL REGARDLESS SA EDAD NILA PARA MAGING MABISA ANG KASAL. LAHAT NG KASAL AY KAILANGAN ANG MARRIAGE LICENSE EXCEPT KUNG ANG ISA SA IKAKASAL AY MALAPIT NANG MAMATAY O PAREHO SILANG SINGLE AT LIMANG TAON NA SILANG NAGSASAMA NA PARANG MAG-ASAWA. ANG KAWALAN NG MARRIAGE LICENSE O PEKENG/HINDI TOTOONG AFFIDAVIT OF 5 YEAR COHABITATION AY GROUND SA DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE/ANNULMENT OF MARRIAGE. Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung ano daw ba ang marriage license at kung ano ang kahalagahan nito sa bisa ng isang kasal. Ganito ang tanong ng isang reader ng E-Lawyers Online: "Attorney, pinadala ko na po sa email nyo ang marriage contract ko, yan lang ang dokumento ko. Ano po ba yong hinahanap nyo na marriage license? I remember po na wala kaming kinuha na ganun bago kami kinasal." Ano nga ba ang marriage license? Ang marriage license ay isa sa mga formal requirements ng isang marriage ayon sa Article 3 ng Family Code: The formal requisites of marriage are: (1) Authority of the solemnizing officer; (2) A VALID MARRIAGE LICENSE except in the cases provided for in Chapter 2 of this Title; and (3) A marriage ceremony which takes place with the appearance of the contracting parties before the solemnizing officer and their personal declaration that they take each other as husband and wife in the presence of not less than two witnesses of legal age. Ang marriage license ay pahintulot o lisensiya na binibigay ng gobyerno na ikasal ang babae at lalaki pagkatapos nilang patunayan na sila ay pwedeng ikasal ng naayon sa batas. Ayon sa Article 9 ng Family Code: "A marriage license shall be issued by the local civil registrar of the city or municipality where either contracting party habitually resides, except in marriages where no license is required in accordance with Chapter 2 of this Title." Ayon sa Art. 20 ng Family Code, ang marriage license ay pwedeng gamitin anywhere in the Philippines regardless kung saan ito na-issue at may validity at expiration period na 120 days from the date of issue, at ito ay automatically cancelled sa date ng expiration kung hindi ito ginamit. "Art. 20. The license shall be valid in any part of the Philippines for a period of one hundred twenty days from the date of issue, and shall be deemed automatically canceled at the expiration of the said period if the contracting parties have not made use of it. The expiry date shall be stamped in bold characters on the face of every license issued. As a general rule, lahat ng ikakasal na tao sa Pilipinas ay kailangan na kumuha ng marriage license regardless kung ano man ang age nila whether 18 years old or 50 years old. Bilang exceptions under Art. 27-34 ng family Code, ang mga sumusunod ay exempted sa marriage license: 1. Marriage in articulo mortis o malapit nang mamatay o agaw buhay, kahit nabuhay pa ang nag-agaw buhay; 2. Marriage sa liblib at malayong lugar ang tirahan na hindi naabot ng transportasyon at mahirap makapunta sa local civil registrar; 3. Marriage in articulo mortis o malapit nang mamatay o agaw buhay na ginawa sa harap ng ship captain, airplane pilot o military commander sa gitna ng military operation; 4. Marriage ng muslim at iba pang ethnic communities provided na ito ay ginanap sa kanilang custom, rites at ritual; 5. Marriage ng single na babae at lalaki na nagsama ng 5 taon bilang mag-asawa (live-in common law husband and wife). Ang kawalan ng marriage license sa isang kasal except Art. 27-34 ay ground sa annulment ng marriage ayon sa Article 35, Paragraph 3 ng Family Code. Kung ganon, ang kasal na ginanap na may expired marriage license ay pwedeng gamitin na ground sa annulment. Ganun din, ang pekeng marriage license ay pwede ring gamitin na ground sa annulment of marriage. Kung gusto nyo magtanong ukol sa marriage or annulment of marriage, register at my website at e-lawyersonline . Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link facebook/E.Lawyers.Online. All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.
Posted on: Fri, 20 Sep 2013 13:47:27 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015