ANG MGA LALAKI: Ang mga lalaki DIREKTA- Direct kami kung - TopicsExpress



          

ANG MGA LALAKI: Ang mga lalaki DIREKTA- Direct kami kung magsalita. Pag ayaw nmin sa isang tao sasabihin nmin agad. Hindi katulad ng mga babae na papaikutin pa o didibdibin. Kaya di ako nagtataka kung may mga taong mas gusto nilang “bestfriend” ang lalaki dahil diretso kasi kung magsabi. Tsaka walang arte arte, walang drama drama. Ang mga lalaki MOODY- Gaya din ng mga babae. Moody din kami pero hindi lang pinapahalata. Tipong, naiinis na kami pero hindi nmin kayang ipakita, nalulungkot pero hindi pinahalata. Smile smile lang. Ang mga lalaki MAS- Mas? Mas seloso, mas sensitive. Kung ang mga babae napakaselosa. Kaming mga lalaki mas napakaseloso. Ayaw nmin yung nagkwekwento kayo tungkol sa mga ex ninyo dahil nagseselos kami. Ex na nga di ba? Ang mga lalaki MAGALING MAGTAGO- Magtago ng babae? Biro lang. Magtago ng emosyon. Umiiyak din kami oy. Kala niyo hindi? Hindi lang pinapahalata kase may “ego” kami. Ang mga lalaki ayaw sa PAKIPOT- Ayaw nmin yung babae na sobra kung makapagisip kung ayaw ba namin sila o hindi. Nagiging paasa e. Sige nga sino ba gusto ng paasa? Hindi na lang sabihin kung ayaw o gusto para di kami nagiisip. Ang mga lalaki MABABAW ANG KALIGAYAHAN- Natutuwa kami sa mga babaeng maeffort. Yung kakantahan kami bago matulog. Yung ipagluluto kami. Sa simpleng effort na yun natutuwa kami. Kinikilig din naman kami. Ang mga lalaki MATIPID KUNG MAGSALITA- Hindi kami madaldal. Hindi makwento o masalita. Tama na yung mga salitang oo,hindi pwede. Pinoy henyo lang. Pero pag nagsalita kami makahulugan minsan nga may laman pa at mapapaisip ka. Ang mga lalaki MAPRIDE- Oo kami na ang mapride. Ganon talaga. Hindi na maalis sa amin yun. Natural na. Tulad ng mga babae. Hindi maalis sa inyo ang pagiging maarte. Pero wala namang masama kung kahit minsan ibaba natin ito. Ang mga lalaki NAGIGING SERYOSO SA TAONG GUSTO- Nagiging seryoso kami sa taong gusto nmin. Ay mali. Sa taong mahal namin. Mas nagiging seryoso kami pag pinakilala kami sa magulang ng babae. Pangarap nmin yun. Ang mga lalaki LIKAS NA MAPAGMAHAL- Oo sabihin na natin na ang daming babae ang umiiyak ngayon. Pero di ba nila alam kami din nasasaktan? Oo babae ang unang nagmomove on pero kami mas matagal pa. Sabihin niyo na nambabae kami kaagad pero ginagawa lang nmin yun para makalimut kami. Nagagawa nga nming magsinungaling dahil mahal nmin kayo.
Posted on: Sat, 27 Jul 2013 05:37:39 +0000

Trending Topics



div>

Recently Viewed Topics




© 2015