ANG PANG-IINTRIGA SA KARANGALAN NG ISANG TAO SA PAMAMAGITAN NG - TopicsExpress



          

ANG PANG-IINTRIGA SA KARANGALAN NG ISANG TAO SA PAMAMAGITAN NG TSISMIS O POST SA FACEBOOK, TWITTER O IBA PANG SOCIAL NETWORKING SITES AY ISANG KRIMEN NA KUNG TAWAGIN AY "INTRIGUING AGAINST HONOR" NA MAY PARUSANG KULONG. Sa anumang komunidad, sa barangay man natin o sa internet ay hindi nawawala ang intriga laban sa isat-isa dahil sa mga pag-aaway. Ngunit kung ang pag-iintriga ay intensiyonal at malisyosong ginawa upang siraan ang reputasyon ng isang tao o kaya ay mabahiran ang karangalan ng isang tao, ang batas ay may binibigay na karampatang kaparusahan dito. Nasa Article 364 ng Revised Penal Code of the Philippines ay nagsasabi na isang krimen ang "Intriguing against honor. — The penalty of arresto menor (1 day to 30 days of imprisonment) or fine not exceeding 200 pesos shall be imposed for any intrigue which has for its principal purpose to blemish the honor or reputation of a person." Ang pang-iintriga sa karangalan ng isang tao sa pamamagitan ng tsismis o post sa Facebook, Twitter o iba pang social networking sites sa internet ay isang krimen kung saan meron itong parusang kulong. Kung ang tsismis o post sa Facebook, Twitter o iba pang social networking sites ay may pangunahing layunin upang siraan o madungisan ang karangalan at reputasyon ng isang tao, ito ay pumapasok sa krimen na "Intriguing Against Honor". Ang Republic Act No. 8972 known as E-Commerce Law at ang Supreme Court Administrative Matter No. 01-7-01-SC.- Re: Rules on Electronic Evidence ay nagsasabi na ang post, comment at twit ay isang electronic evidence at katumbas ng isang documentary evidence. Kung kaya ang mga post, twit, comment sa Facebook, Twitter at iba pang social networking sites ay isang evidence na pwedeng gamitin sa korte laban sa gumawa nito at ito ay pwedeng ipresenta sa korte sa pamamagitan ng affidavit of evidence at pagpapakita ng nasabing post, comment or twit na screen shot o screen capture. Ganon din ang mga pictures, video at mga audio recording or chat conversation ay mga electronic evidence din. Kailangan din ng supporting testimony ng mga tao na nakakita/nakakinig ng nasabing gawain upang patunayan ang krimen na ito sa korte. Kung gusto nyo magtanong ukol sa pagsasampa ng kaso sa anumang paninira ng karangalan at reputasyon ng tao sa internet, register at my website at e-lawyersonline. Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link facebook/E.Lawyers.Online. All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.
Posted on: Sun, 23 Jun 2013 04:25:45 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015