ANG PORK BARREL UNDER PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND (PDAF) - TopicsExpress



          

ANG PORK BARREL UNDER PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND (PDAF) AY UNCONSTITUTIONAL O LABAG SA ATING KONSTITUSYON AYON SA KORTE SUPREMA DAHIL ANG KONGRESO (LEGISLATIVE DEPT) AT ANG PRESIDENTE (EXECUTIVE DEPT) AY BINIGYAN NG KAPANGYARIHAN NA SOBRA O LABIS NA NAKASAAD SA 1987 CONSTITUTION. Ang pork barrel ay ang pera ng gobyerno galing sa buwis o taxes na binabayad ng mga tao upang gastusin ng Presidente o ng mga ahensiya nito sa pamamagitan ng pag-uutos ng miyembro ng Kongreso sa kanyang distrito sa isang partikular na proyekto. Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung ano ba ang madaling paliwanag kung bakit nadeclare ng Supreme Court ang pork barrel o Priority Development Assistance Fund (PDAF) na unconstitutional. Ang desisyon ng Korte Suprema ay dapat ibahagi at ipaalam sa mga mamamayan upang malaman nila ang dahilan ng desisyon sa ilalim ng ating batas. Ang ating legal na sistema ay sumusunod sa Presidential at Republican form na gobyerno kung saan nahahati ang kapangyarihan ng gobyerno sa tatlo na may kanya-kanyang power at limitasyon, at ito ay ang: Legislative Department (Senate at House of Representatives) na ang trabaho ay gumawa lamang ng batas; ang Executive Department (Presidente) na ang trabaho ay ipatupad lamang ang batas; at ang Judiciary Department (Supreme Court and all courts) na ang trabaho lamang ay upang i-interpret ang batas at i-settle ang anumang kontrobersiya sa batas. Ang tatlong sangay na ito ng gobyerno ay ginawa upang magkaroon ng kanya-kanyang trabaho at kapangyarihan na hindi pwedeng gawin ng isa o magkaroon ng check and balances upang hindi magkaroon ng diktaturya sa anumang sangay ng gobyerno. Ang tawag dito ay ang doktrina ng Separation of Powers. Sa kasong nadesisyonan ng Supreme Court tungkol sa prok barrel na may title na Social Justice Society vs. Senate Pres. Drilon et. al., G.R. No. 208493, November 19, 2013 at mga kasama nitong kaso, ang mga sumumusunod ay rason o dahilan ng pagkakabasura ng pork barrel o PDAF bilang unconstitutional: 1. Paglabag sa doktrina ng Separation of Powers - ang pork barrel kung saan ay identify ng isang congressman ang paggamit ng pera sa kanyang proyekto ay nagbibigay ng kapangyarihan sa Kongreso na gastusin ang pera at implement ang batas na kanilang ginawa na para lamang sa Presidente. Dahil nga may kanya-kanyang trabaho at kapangyarihan ang tatlong sangay ng gobyerno na hindi pwedeng gawin ng isa, ang Kongreso through the pork barrel ay nag-assume ng function na nararapat lamang sa Executive Department o sa Presidente. 2. Paglabag sa doktrina ng Non-delegation of Legsilative Power - ang kapangyarihan na guawa ng batas ay binibigay ng 1987 Constitution sa buong Kongreso bilang isang departamento at lahat ng batas ay dapat ipasa at aprobahan ng nakakaraming miyembro nito. Ang pork barrel ay unconstitutional dahil ito ay nagbigay ng kapangyarihan sa isang congressman na gumawa ng kanyang sariling batas dahil siya lamang ang mag-identify sa proyekto na popondohan ng PDAF. Ito ay violation ng Section 29(1), Article VI of the 1987 Constitution which states that: ―No money shall be paid out of the Treasury except in pursuance of an appropriation made by law. 3. Pagsantabi sa kapangyarihan ng Presidente na tanggalin ang isang item sa budget sa pamamagitan ng veto power - ang Presidente ng Pilipinas ay may karapatan na na tanggalin ang isang item sa budget sa pamamagitan ng veto power. Sa pork barrel system, ito ay general na pondo na pina-approbahan sa Presidente kasama sa budget na walang nakalagay na partikular item. Pagkatapos itong aprobahan ay saka lamang mag-identify ang congressman ng partikular na proyekto na popondohan nito. Dahil ito ay wala nang pagkakataon ang Presidente na i-veto o tanggalin ito. Dahil dito ay nawawala na ang principle ng check and balance system ng dalawang sangay ng gobyerno. 4. Ang pagkawala ng public accountability - under the check and balance system ng gobyerno, ang Kongreso ay dapat i-monitor at i-check kung maayos ba ang paggamit ng pera ng taumbayan ng Presidente. Ngunit sa pork barrel system, ang accountability ay nawawala dahil ang mga congressman ay nagiging financially interested partners sa pork barrel na instead na magkaroon ng check and balance system ay nagkakaroon ng kutsabahan sa pagitan ng Executive at Legislative. Sabi sa desisyon: The fact that individual legislators are given post-enactment roles in the implementation of the budget makes it difficult for them to become disinterested ―observers when scrutinizing, investigating or monitoring the implementation of the appropriation law. To a certain extent, the conduct of oversight would be tainted as said legislators, who are vested with post-enactment authority, would, in effect, be checking on activities in which they themselves participate. Also, it must be pointed out that this very same concept of post-enactment authorization runs afoul of Section 14, Article VI of the 1987 Constitution. Kung gusto nyo magtanong ukol sa pork barrel, register at my website at e-lawyersonline. Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link facebook/E.Lawyers.Online. All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.
Posted on: Sun, 24 Nov 2013 04:14:01 +0000

Trending Topics



v>

Recently Viewed Topics




© 2015