ANG PROSESO NG ANNULMENT OF MARRIAGE O DECLARATION OF NULLITY OF - TopicsExpress



          

ANG PROSESO NG ANNULMENT OF MARRIAGE O DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE AY WALANG "RULE OF DEFAULT" AT ANG HINDI PAGSIPOT O PAGPUNTA O PAGSAGOT NG ASAWA NA SINAMPAHAN NG ANNULMENT OF MARRIAGE (GUILTY SPOUSE) SA KORTE AY HINDI NAKAKASIGURADO NA MAKAKAKUHA NG PABOR NA DESISYON SA ANNULMENT. ANG HINDI PAGSIPOT O PAGPUNTA O PAGSAGOT NG ASAWA NA SINAMPAHAN NG ANNULMENT OF MARRIAGE (GUILTY SPOUSE) SA KORTE AY HINDI NAKAKAAPEKTO SA PROSESO NG ANNULMENT AT MATUTULOY ITO KAHIT WALA SIYA BASTA MAY GROUND AT EVIDENCE ANG PETISYON NA SINAMPA NG INNOCENT SPOUSE. Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online na kung sigurado na ba na ma-aaprobahan ng korte ang petition for annulment of marriage o declaration of nullity of marriage na sinampa kung hindi sumipot, pumunta o sumagot ang sinampahang asawa (guilty spouse). Ang akala ng marami na ang proseso ng annulment of marriage o declaration of nullity of marriage ay katulad ng ordinaryong Rules of Court kung saan ang partido na hindi sumagot, sumipot o hindi pumunta ay hindi na pwedeng mag-presenta ng kanyang evidence o sumama sa proseso ng korte dahil siya ay "default" na. Ang Rules of Court para sa proseso ng nnulment of marriage o declaration of nullity of marriage ay kakaiba sa ordinaryong civil case dahil ito ay may sariling rules known as Supreme Court Administrative Matter NO. 02-11-10-SC, dated MARCH 4, 2003, otherwise known as "Rule on Declaration of Absolute Nullity of Void Marriages and Annulment of Voidable Marriages". Ayon sa nasabing rules: Sec. 8. Answer. - (1) The respondent shall file his answer within fifteen days from service of summons, or within thirty days from the last issue of publication in case of service of summons by publication. The answer must be verified by the respondent himself and not by counsel or attorney-in-fact.cralaw (2) If the respondent fails to file an answer, the court shall not declare him or her in default. (3) Where no answer is filed or if the answer does not tender an issue, the court shall order the public prosecutor to investigate whether collusion exists between the parties. Malinaw sa Section 8 Paragraph (2) ng nasabing Rule on Declaration of Absolute Nullity of Void Marriages and Annulment of Voidable Marriages na kung hindi nagfile ng answer o hindi sumagot ang sinampahang asawa (guilty spouse), ang korte ay hindi siya i-dedeklara siyang "default". Kung kaya ang nasabing sinampahang asawa ay pwede pa rin na sumama sa proseso kahit hindi siya nagsubmit ng kanyang answer. Ganun din naman, matutuloy ang annulment of marriage kahit hindi sumipot ang asawang sinampahan ng kaso. Walang batas sa Family Code o sa Rules of Court ng Annulment of Marriage na kailangan ang permiso, pirma o presence ng sinampahang asawa para matuloy ang annulment of marriage dahil hindi ito kailangan sa proseso ng annulment. Matutuloy ang annulment case kahit walang permiso, walang pirma o absent ang guilty spouse o ang sinampahang asawa ng kaso. Ang mahalaga ay merong ground at evidence ang nagsampang asawa o innocent spouse at patunayan ito ng kanyang ebidensya sa korte. Bawal ang confession of judgment o pag-amin ng kasalanan ng guilty spouse dahil ebidensiya ito ng collusion o pakikipagsabwatan. Kung kaya ay mahalaga ang assessment ng evidence at ng ground sa mga may balak magfile ng annulment. Ang sinampahang asawa o guilty spouse ay padadalhan ng Summons ng korte upang utusan siya na sagutin ang mga paratang ng innocent spouse sa Petition for Annulment of Marriage. Kung ang Summons ng korte ay hindi maipadala sa guilty spouse o sinampahang asawa dahil hindi siya ma-locate sa kanyang address o siya ay nasa abroad o ang kanyang kinaroroonan ay hindi alam ng innocent spouse o nagsampang asawa, ang service ng summons ay pwedeng gawin sa pamamagitan ng pag-publish ng Petition at ng Summons sa once a week for two consecutive weeks in a newspaper of general circulation in the Philippines and in such places as the court may order at kasama dito ang pagpapadala ng summons sa guilty spouse at his last known address by registered mail or any other means the court may deem sufficient. Pagkatapos na ma-publish ang Petition at Summons sa newspaper ay pwede na magdiretso ang proseso ng annulment kahit wala o absent ang sinampahang asawa o guilty spouse. Ngunit kung sumipot, pumunta o sumagot sa annulment of marriage ang guilty spouse o sinampahang asawa, hindi ito nangangahulugan na mapapabilis ang proseso o nakakasiguro na mabibigyan na pabor na desisyon ng korte ang nagsampa. Kailangan pa rin patunayan ng nagsampang asawa na meron siyang ground sa annulment of marriage. Bibigyan din ng pagkakataon ang sinampahang asawa na magpresenta ng kanyang evidence sa korte. Ang korte ay pwedeng magbigay ng desisyon laban o pabor sa nagsampa ng annulment of marriage. Kung gusto nyo magtanong ukol sa legal separation or annulment of marriage, register at my website at e-lawyersonline. Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link facebook/E.Lawyers.Online. All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.
Posted on: Wed, 24 Jul 2013 09:44:56 +0000

Trending Topics



microcomputer
Bersih: Government trying to scare activists with charges The

Recently Viewed Topics




© 2015