ANG SINUMANG TAO AY HINDI PWEDENG I-SEARCH NG PULIS O MILITAR O - TopicsExpress



          

ANG SINUMANG TAO AY HINDI PWEDENG I-SEARCH NG PULIS O MILITAR O KAPKAPAN O HALUGHUGIN ANG KANYANG SARILI O GAMIT O KANYANG BAHAY NG WALANG SEARCH WARRANT. ANG SINUMANG TAO AY MAY KARAPATAN SA ATING 1987 KONTITUSYON LABAN SA HINDI MAKATWIRANG PAGSASALIKSIK AT PAGKUMPISKA SA ATIN AT SA ATING MGA KAGAMITAN (UNREASONABLE SEARCH AND SEIZURE) DAHIL ANG POLICE O MILITARY AY REQUIRED SILA NA KUMUHA MUNA SILA NG SEARCH WARRANT. Naranasan nyo na ba na ang "Hulidap"? Ito ang modus-operandi ng mga kawatang pulis na bigla ka na lamang patitigilin sa paglalakad, kakapkapan ng gamit, pagbibintangan na may dalang illegal na droga at tatakutin na ikaw ay ikukulong kung hindi kayo magbibigyan ng pera sa kanila. Ang "hulidap" ay maiiwasan kung alam natin ang ating karapatan sa batas. Bilang mamamayan ng Pilipinas, dapat alam natin ang ating mga karapatan sa ilalim ng ating 1987 Constitution, lalong lalo na ang mga karapatan natin na pantao katulad ng constitutional guarantee against unreasonable searches and seizures (Section 2, Article III, 1987 Constitution). Ang sinumang tao ay may karapatan sa ating 1987 Constitution laban sa hindi makatwirang pagsasaliksik at pagkumpiska sa atin at sa ating mga kagamitan ng mga police at military. As a general rule, ang police at military ay kailangan kumuha muna ng search warrant sa korte bago nila masearch and seizure ang isang tao at kanilang kagamitan o sasakyan. Kung wala silang search warrant, anumang evidence ang nakuha sa tao ay hindi tatanggapin ng korte sa kahit anong purpose bilang evidence for being a fruit of poisonous tree o nakuhang ebidensiya sa illegal na paraan. Ang karapatan natin laban sa hindi makatwirang pagsasaliksik at pagkumpiska sa atin at sa ating mga kagamitan ng mga police at military o ang right against unreasonable searches and seizures is secured by Section 2, Article III of the Constitution which states: SEC. 2. The right of the people to be secure in their persons, houses, papers, and effects against unreasonable searches and seizures of whatever nature and for any purpose shall be inviolable, and no search warrant or warrant of arrest shall issue except upon probable cause to be determined personally by the judge after examination under oath or affirmation of the complainant and the witnesses he may produce, and particularly describing the place to be searched and the persons or things to be seized. Ang general rule ay kailangan muna na mag-apply ang pulis o military sa korte ng search warrant bago siya magsaliksik, maghalughog o magsearch at makumpiska ang katawan/pagkatao, bahay, dokumento, at personal na gamit ng isang tao. Ngunit ang requirement ng batas sa pagkuha ng search warrant ay may mga exceptions na kung saan hindi na kailangan ang search warrant para magsaliksik, maghalughog o magsearch at makumpiska ang tao at gamit niya. ito ay ang mga sumusunod: 1. Warrantless search incidental to a lawful arrest o pagsaliksik pagkatapos na arestohin ang tao dahil sa harapan na paggawa ng krimen. Ginagawa ito dahil bilang proteksiyon sa law enforcer sa nakatagong weapon; 2. Seizure of evidence in “plain view.” Ito ang pagkumpiska ng evidence na nakita ng law enforcer sa paligid niya na walang ginawang further search; 3. Search of a moving vehicle. Highly regulated by the government, the vehicle’s inherent mobility reduces expectation of privacy especially when its transit in public thoroughfares furnishes a highly reasonable suspicion amounting to probable cause that the occupant committed a criminal activity; 4. Consented warrantless search o kung pumayag ang citizen na magpakapkap sa law enforcer; 5. Customs search o pagsearch sa mga luggage, bags, packages at baggage sa airport pagpasok at paglabas ng bansa; 6. Stop and Frisk ay ang pagpapatigil sa isang kahina-hinalang tao at pagkapkap o search sa kanyang damit para sa nakatagong weapon; 7. Exigent and emergency circumstances o search gawa ng pangangailangan at emergency situation. 8. Search of vessels and aircraft o ang pag-saliksik ng mga barko at eroplano for purposes na alamin ng border patrol at customs; 9. Inspection of buildings and other premises for the enforcement of fire, sanitary and building regulations. Upang maka-iwas sa "hulidap" o pang-aabuso ng pulis o militar sa karapatang pantao, huwag dapat tayo na pumayag na basta na lang kapkapan, saliksikin at i-search ang ating katawan, bahay o gamit. Iwasan natin na magkaroon ng "waiver" o pagsusuko ng ating karapatan laban sa hindi makatarungang pagsasaliksik. Kung kayo ay malalagay sa ganitong sitwasyon, dapat natin na sabihin sa pulis o militar na gagawa nito na "I AM INVOKING MY RIGHT AGAINST UNREASONABLE SEARCH AND SEIZURE AND I HAVE THE RIGHT TO FILE A COMPLAINT FOR THE VIOLATION OF MY RIGHT." Kung ikaw ay ikinulong dahil sa unreasonable search and seizure, pwede mo kasuhan ang pulis o militar na nagkulong sa iyo ng Arbitrary Detention under Article 124 ng Revised Penal Code. Kung gusto nyo magtanong ukol sa unreasonable search and seizure, register at my website at e-lawyersonline. Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link facebook/E.Lawyers.Online. All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.
Posted on: Thu, 06 Jun 2013 06:30:12 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015