ANONYMOUS PHILIPPINES (2) PRESIDENT PNOY PRIMETIME PANIC SPEECH OR - TopicsExpress



          

ANONYMOUS PHILIPPINES (2) PRESIDENT PNOY PRIMETIME PANIC SPEECH OR TRICK OR TREAT? --- (1) Sa pagdiriwang ng “Worlwide Million Mask March” ay nagpakita ng pakikibaka ang grupong Anonymous Philippines laban sa korupsiyon sa pamamagitan ng rally sa harap ng Batasang Pambansa, Quezon City. Nasaksihan at napagmasdan natin ang grupong ito at makikilatis mong puro edukado na nagaaral sa kolehiyo at propesyonal, kahit sila pa ay naka Guy Fawkes mask.Hahangaan mo din ang mga ito na kahit hindi sanay sa pag ra rally ay lumalantad sila at nakikiisa sa pagbatikos at pagkilos laban sa pork barrel sa gitna ng kalsada. Hindi din nila alintana ang maaring maging kapalit ng paglabas nila sa kalsada, dahilan sa imbestigasyon na ginagawa ng NBI sa pag hacked sa 38 websites ng pamahalaan. Kung susumahin natin ang kasalanan ng pamahalaan na pagnanakaw sa billion o trillion piso sa kaban ng bayan ay napakalaki, kumpara sa pag hacked, defaced at pagkuha ng impormasyon sa website ng pamahalaan. Lalo na kung ang impormasyon naman nakuha dito ay gagamitin lang nilang isang leverage sa gobyerno at hindi gagamitin sa masamang paraan o pagkakakitaan. Ang hinihingi lang nila ay ihinto na ang korupsyon sa pamahalaan, at ang makikinabang naman sa kahilingan ito kung magkakaroon ng katuparan ay ang mamamayan.Nagbanta ang AP na magpapatuloy ang kanilang laban at maglalabas ng nakalap na mahahalagang impormasyon kung magpapatuloy ang katiwalian.Nakatagpo na din ng nakamaskarang katapat ang pamahalaan Aquino na nagtatago din sa maskarang “tuwid na daan”. Sa pakikipaglaban sa mistulang organized group syndicate na Aquino government ay kailangan natin ng mga bayaning nakamaskara tulad nila Zorro, Batman, Iron Man, The Flash at Anonymous Philippines. (2) PRESIDENT PNOY PRIMETIME PANIC SPEECH OR TRICK OR TREAT? Sa ginawang survey ng SWS ay bagsak ang rating ni Pnoy, sumunod naman agad agad ang survey ng Pulse Asia na nagbigay ng pasadong grado sa pangulo.Matagal ng may balitang kasosyo ang mga kamag-anak ni Pres.Aquino sa Pulse Asia.Ang Malacanang lang ang nakakaalam kung peke ang inilabas na survey ng Pulse Asia para mag panik ang Malacanang at kailangan mag speech pa ang pangulo sa primetime television slot.Dahil natapat sa Halloween ay inisip ng iba na trick or treat ang gagawing anunsiyo ng Presidente. May tatlo tayong nakikitang diskarte ng gobyerno para patuloy na magoyo ng Pnoy administration ang mga tao (1) Panatilihing nilang mataas ang popularidad ng Pangulo.Kaya nag panik sila ng sumeplang ang popularidad nito(2) Patuloy na isisi ang nangyayaring katiwalian sa gobyernong Pnoy kay Arroyo, kahit tatlong taon mahigit na siyang pangulo.Gusto nilang panatilihing malinis at Mr.Clean ang paningin ng tao kay Pnoy at ang mga gabinete nito para sa eleksyon 2016 (Liberal party agenda)(3) Palutangin ang pangalan Ninoy at Cory para mairehistro sa isip ng tao ang mga nagawa ng mga ito sa bayan at makalimutan o matakpan ang mahinang pamamalakad ni Pnoy.Maraming kumikilala sa kabayanihan ni Ninoy at patuloy na bulag na sumusuporta pa din kay Pnoy. Pero hindi lahat ng puno ay maaayos ang bunga.Mapapansin na noong araw na mag primetime speech si Pnoy ay itinapat sa araw ng pagdalaw din nito sa puntod ni Ninoy at Cory . Kaya kinaumagahan,ang headline ng ibang pahayagan ay”remembering Ninoy and Cory”. Ganoon din sa mga government TV station na halos buong October ay puro speeches ni Ninoy ang pinalalabas.Wala naman okasyon para kay Ninoy. Kaya lang nagpapalabas ng mga patungkol dito ay pambalanse sa batikos tungkol sa DAP at PDAF…Trick or treat? Trick ang maliwanag na kasagutan dito.Trick no.1PDAF (Priority Development Assistance Fund)- Naglabas ang Korte Suprema ng TRO (Temporary Restraining Order) para sa natitirang PDAF budget o pork barrel ng kongreso sa taong 2013.Sa kasalukuyan ang PDAF ay naglalaro sa halagang 25 B kada taon. Ang Malampaya fund ay partially restrained lang dahil sa P.D. 910 na hinahayaang gamitin ang pondo sa energy resource and development Maliwanag na sa batas at sa paningin ng Korte Suprema ay ang PDAF lang ng kongreso ang tinatawag na pork barrel,kaya ito lang ang may TRO. Ang hindi mga kasama sa TRO ay ang pondo galing sa PCSO.PAGCOR.Road user tax at ang trillion pisong nakapaloob sa General Appropriation Act na aprubado ng kongreso.Ito ay mga pinanggagalingan ng tinatawag ng mga kritiko na presidential pork...Trick NO.2 Naglabas ng partial TRO para sa pondo ng Malampaya. Ang comedy trick ay ubos na pala ang natitirang pondo nito na 130 B at hindi maipaliwanag kung paano naubos ito. Trick no.3 DAP (Disbursement Acceleration Program) Ang pondo ng DAP ay galing sa savings na umabot ng 72 B. Naghain ng petisyon sa Korte Suprema para itigil at ideklarang illegal at unconstitutional ang DAP. Wala pang desisyon ang Korte Suprema sa usaping ito.Hindi din naglabas ng TRO patungkol dito.Isa sa argumento sa petisyon ito ay paglulustay ng pondo ng bayan na hindi aprubado ng kongreso. Pero paano ang pondong aprubado ng kongreso? Kamakailan lang ay ipinasa ng Senado ang 600 B presidential pork at 139.9 unprogrammed funds para sa pondo ng pangulo sa 2014. Kahit paboran ng Korte Suprema ang petisyon sa pagtanggal ng PDAF at DAP ay malamang na maiiwan ang trilliong pondo ng pangulo na aprubado ng kongreso. Paano natin mapipigilan at mapuputol ito? Dapat kusang isuko ng pangulo ang pondong ito o punuin natin ang EDSA..Trick no.4 .Nagpaimbestiga tungkol sa PDAF na involved si Napoles.10 sa 82 NGO na nakinabang sa PDAF ay puro pekeng NGO na kinasasangkutan ni Napoles. Ang natitirang 72 NGO ay balitang kakutsaba ng mga kapartido ni Pnoy kaya hindi sinama sa imbestigasyon.Trick no.5 Ang imbestigasyon sa PDAF scam ay hanggang sa taong 2007-2009 pa din hangga ngayon. Naungkat lang ang DAP sa privileges speech ni Sen. Jinggoy kaya nadamay ang panahon ng panunungkulan ni Pnoy na may anomalya. Kaya nga isinasama natin sa panawagan na mag resign na si COA (Commission on Audit) chairwoman Grace Pulido Tan. Dahilan sa ayaw niyang magkusa na simulan imbestigahan ang mga taong sakop ng panunungkulan ni Pnoy(2012-2013). Gustong maging malinis ng mga senador kaya incentives ang tawag nila sa DAP na natanggap nila. Kung meron kang incentives,ang ibig sabihin ay meron kang nagawang maganda o mabuti. Meron ba silang nagawang mabuti?
Posted on: Wed, 06 Nov 2013 18:04:55 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015