Admin raviel presents Anak Patawad (storyang nang pagmamahal - TopicsExpress



          

Admin raviel presents Anak Patawad (storyang nang pagmamahal nang isang anak) *** Introduction: Naranasan mo na bang itakwil ng sariling mong magulang?,Na alipinin,alipustahin o ibalewala at huwag bigyan ng importansiya o halaga?.Sumbatan at isumpa? Naramdaman mo ba ang pagiging ina o ama ng iyong magulang??,pwes masuwerte ka hindi gaya ng ibang mga anghel na ipinanganak sa mundo kagaya ng storyang ito. Ito ay isang kathang isip na sasalamin sa relasyon ng magulang at anak.Hango sa mga nangyayari ngayon at nilikha upang ipakita ang mga nangyayari sa bawat pamilya o sa bawat indibidwal. Hindi man ito man to man story subalit hinihingi kong bigyan sana nang kahit kaunting oras para basahin ang nilalaman nito. Nilikha ang kwentong ito upang ipamulat sa bawat isa lalo na sa may mga anak na pahalagahan ang bawat anghel na darating sa ating buhay at sa pamilya Sana po ay magustuhan ninyo ang maikling kwentong ito,na kathang isip lamang ngunit may importanteng aral at nilalaman. Maraming Maraming Salamat Po. ***prolouge*** Ang araw ng grand finals ay gaganapin sa araw din mismo ng Birthday ni Zain.Habang Si maria ay galit na galit sa anak dahil hindi niya nadatnan ito sa bahay.11 am na siya umuwi dahil dumaan ito sa kanyang kaibigan, dahil walang makain lumabas ito para bumili ng makakain at dahil galit ito habang naglalakad ibinubulong nanaman niya ito Hindi ka kakain ngayon lintik kang bata ka bahala ka sa buhay mo! *** Si Maria o mas kilala bilang maria juana dela cruz ay Matalino,maganda,matangkad,makinis,maputi,matangos ang ilong, magaling kumanta at may ka akit akit na ngiti mula sa kanya mapupungay at singkit na mga mata.Pero may katigasan sa ulo.Ulila na siya ang amay namatay sa aksidente nang mabagsakan ito nang malaking troso,ang ina naman niyay namatay sa panganganak sa kanya.Kaya lumaki sya katuwang ng kanyang may edad nang Lola. Mahirap lang ang kanilang buhay, lumaki sya sa isang probinsya sa liblib na lugar kung saan silay walang ilaw,walang tubig na pwedeng mainom kinakailangan pa nilang maglakad ng kalahating oras upang mag igib sa malinis na bukal para may mainom. Mula nung bata pa siya wala ng siyang ibang pinangarap at hinangad kundi yumaman, magkaroon ng magandang buhay,magarang bahay sasakyan at negosyo. Ni hindi niya naranasan ang pagiging bata at makipag halubilo sa mga kaidaran niya sapagkat tinutulungan niya ang kanya Lola sa pagtitinda nang kaunting mga kakaning gawa nila. Kaya naman nagsumikap sya,nang makatapos ng elementarya ay nag isip sya nang paraan upang masuportahan nya ang pag aaral niya sa sekondarya(high School) .Nag titinda sya ng sampaguita sa bayan bawat hapon pagkatapos nang kanyang klase Sa sipag niya at tyaga ay nakatapos siya sa high school bilang isang suma cum laude sa isang public school.Sa loob ng apat na taon ay sa wakas nakamit niya ang bunga nang kanyang pag hihirap.Ngunit sa kasamaang palad,ay nasawi ang nag iisang tao na nagpalaki,gumabay at nag alaga sa kanya ang kanyang lola.Namatay ito sa isang umaga sa di malamang dahilan. ---- Dahil wala na siyang panggastos o sapat na pera para sa kolehiyo niya at di na kayang suportahan ng pagtitinda niya ng sampaguita ang pag kokolehiyo.Isama pang nag iisa na lamang siya sa buhay ay napagdesisyunan niyang lumuwas sa maynila para makipagsapalaran at mag hanap nang trabaho upang maipagpatuloy ang kanyang pag aaral,sumama siya sa kaibigan niya na may kamag-anak sa maynila.At dahil nag iisa na lamang sya ay nag lakas loob sya upang mag umpisa ng panibagong buhay.Pagdating sa manila ibang trabaho ang napasok niya. At dahil bata pa siyat may potential,isama pang may talento sa pagkanta ay natanggap agad sya nagtrabaho sa isang night club sa Ermita Manila o mas kilala bilang kasa(bahay aliwan) bilang isang waitress at sumaside line ding singer sa nasabing lugar.Ito ang kanyang kinabagsakan sapagkat wala naman siyang ibang naisip na trabaho ,isa pa mahihirapan syang mag aral kung kakarampot lang na pera ang kikitain niya. At dahil na rin sa boses na taglay niyat kagandahan ay malaki ang kanyang kinikita gabi gabi.Hanggat nakakuha siya nang sariling apartment. Isang araw may nagkagusto sa kanya na amerikanong nag ngangalang Baron Sean Wylon at ang akala niya sa pamamagitan ng kano ay matutupad na ang matagal niyang pangarap na matamo ang kaginhawaan.Kaya kahit kakakilala palang niya dito ay sumama na sya agad.Ngunit sa loob ng isang buwan lang na pagsasama nila ay may napuna itong si maria dahil drug adik pala ito,at sa pagsasama nila sa iisang bubong ay may nabuo na isang baby, nabuntis siya at gusto niyang ipalaglag ang bata kaya lahat ng paraan ginawa nya pero hindi nalaglag ang bata kaya wala siyang nagawa kundi isilang ang pinagbubuntis.Matapos ang siyam na buwang pag dadalantaoy naipanganak niya ang isang malusog na Baby boy at ang pangalan ZAIN WYLON na hango sa apelido nang nakadisgrasya sa kanyang ina. Resulta upang mabuo at ipanganak nga siya sa mundo. ---- Pagkatapos ng isang buwan mula ng nanganak si maria ay pumasok ulit sa club yun lang kasi ang alam niyang paraan para mabuhay silang mag-ina, sa gabi binabayaran nya ang kapit bahay nila para may magbantay sa kanyang anak at pagdating niya sa umaga ay aalis na yung taga-bantay kay zain. Dahil puyat si maria ay basta-basta nalang nyang inilalagay ang bata sa crib nito tapos matutulog na siya. At magigising sa hapon, ang anak niyay iyak na nang iyak dahil gutom nat hindi pa dumedede nang gatas mula nang dumating si maria pero wala siya pakialam dito(kawawang bata sapagkat napaka aga niyang natamo ang hirap). Kung kailan magigising sa hapon si maria yun lang din ang oras na padedehin niya ang bata at habang nagtitimpla ng gatas dakdak ng dakdak ito at ito ang laging linya niya tuwing gagawa ng gatas ni baby Lintik kang bata ka bakit ka pa nabuhay? Bakit hindi ka nalang nalaglag para wala na akong prolema? Halos lahat ng kinikita ko napupunta sayo paano ako yayaman nito, hindi na dahil sayo! sabay kurot sa sanggol. Pag naiiyak sa sakit ang bata ay tinatakpan ang bunganga nito nang kanyang walang awang ina, gutom na gutom na nga ang baby sinasaktan pa ito. Ganun lagi ang nangyayari sa baby laging nagugutom o laging nalilipasan ng gutom kaya napakapayat nito, laging sinasaktan na kahit walang kasalanan, anong malay ng isang baby? Wala! Kundi pag- mamahal at pag-aaruga ang kailangan nito pero ni minsan hindi nagawa ng ina ito, hindi niya maramdaman ang pagmamahal ng kanyang sariling ina. Kundi puro pasakit,Lumipas pa ang araw, buwan at taon, 6 yrs old na si Zain gwapo, magaling na bata, mabait at mana sa ina na magaling kumanta pero sa edad na 6 hindi pa pumasok sa paaralan dahil ayaw ng nanay niya, gastos lang daw pero kahit ganun natuto siyang sumulat at bumasa sa sariling paraan dahil matalino ito magaling pumickup sa mga salita na kahit sa TV lang. sa murang edad ni Zain marunong na siya sa lahat na gawain sa bahay siya ang tagalaba ng kanyang ina parang katulong ito kung ituring nang sariling ina, pagnakagawa ng kasalan inihanda na nya ang kanyang tiyan dahil sigurado hindi na naman papakainin ng nanay nito, kahit sana parusahan basta pakainin pero hindi, madalas na nanatulog ang bata na walang laman ang tiyan.Gutom at pagod ang nararamdaman ng bata bago matulog sa murang edad pa lamang. ----- Isang gabi natulog na walang laman ang tiyan ni zain at syempre pag-gising sa umaga gutom na gutom na ito nakita niya na may pagkain sa mesa dali dali itong umupo sa mesa isusubo na sana niya yung kanin nung biglang tinabig ng ina ang kamay kaya nagkalat ang mga kanin sabay batok sa anak (naluha si zain habang tinitignan ang mga nagkalat na kanin) at ang sabi ng ina.. Sinong nagsabi na kakainin mo yan? Hindi ka pwedeng kumain hanggat hindi mo nagawa yung sinasabi ko! Nakiusap si Zain sa kanyang ina Nay gutom na gutom na po ako pwede ho bang.... Pero di pa man natatapos magsalita ang bata ay sumabat ang ina Letse! Tumayo kana at gawin mo na yun lintik ka! Bakit ka pa nabuhay? Bakit kapa dumating sa buhay ko? Bakit hind ka nalang nalaglag noon? At dooy tuluyan ng bumagsak ang luha ng bata sa mga narinig, nagtanong ito sa ina kung ano ba ang gusto niya para lang mawala ang galit nito, at ang sabi ng kanyang ina ay.. Sasaya lang ako kung mabigyan mo ako ng magandang bahay, sasakyan,at kung ano ano pa! o hindi kayay mawala ka sa paningin ko! Kaya mong gawin yun? HaHa! Sabay alis ng kanyang ina sa harapan niya. Hindi maampat ang luha ng bata sa mga masasakit na salita mula sa ina, ang gutom niya kanina nawala na naplitan ng sobrang lungkot. Umiiyak ang bata habang ginagawa nito ang gawain niya sa loob ng bahay pagkatapos nun lumabas sa bahay si zain at naglakad lakad na hindi alam kung saan tutungo at habang naglalakad sya ay naramdaman niya ulit ang pagkagutom, hanggat nakita niya yung isang Ale. Si Aleng Jin naghuhugas ng maraming bote nilapitan niya ito at sinabihan niya na Pwede po bang ako nalang maglinis sa mga bote maam pakainin mo lang ako hindi pa kasi ako kumain mula kagabi. Agad na nahabag at naantig ang puso ni Aleng Jin dito kaya naman agad agad ay niyaya niya si Zain sa kusina at pinakain, habang kumakain ang bata nagkwento ito, sinabi lahat lahat kay Aleng Jin naluha si Aleng Jin sa kwento ni Zain dahil sa murang edad nito naranasan na niya lahat ng mga iyon, at ang nasabi nalang niya sa bata. Huwag kang mawalan ng pag-asa Zain basta manalig ka lang sa Panginoon. Ngumiti ang bata. Pagkatapos ay naghugas na siya sa mga bote ayaw man ni Aleng Jin pero nagpumilit si Zain at habang naghuhugas ng bote ay kumakanta ito,narinig ni Aleng Jin si Zain at nagsabi ito na isasali niya sa TV sa ang bata sa contest ng pagkanta ang premyo ay 2M pesos. Noong una ayaw ng bata tatanungin daw muna niya ang kanyang ina pero ang sabi ni Aleng Jin Wag na basta ako ang bahala sayo, malay natin baka yun ang paraan para matupad na ang pangarap ng iyung ina. Kaya nag OO na si zain, agahan mo bukas ha kailangan maaga tayo pumila para sigurado na makapasok tayo dahil maraming tao. Kinabuksan dahil 4am palang hindi na ginawa ni Zain ang mga gawain niya tuwing umaga gaya ng paghahanda sa mga kailangan ng ina. Masaya siya dahil natanggap siya at bukas na bukas din kakanta na siya, pero ang sayang iyon ay napalitan ng lungkot dahil pagdating niya sa bahay mula sa audition ay galit na galit ang nanay. Pagpasok palang sa pinto sampal na ang inabot nito. Saan ka galing lintik kang bata ka? galit na sambit ng ina niya Nay pumunta po ako sa ano gusto ko kasi sumali sa con... Hindi na niya naituloy dahil binatukan na naman ito at ang sabi ng ina wala akong pakialam na kahit saan kapa pumunta na kahit magpasagasa ka pa basta gawin mo muna mga obligasyon mo! muling sambit nito samantalang yung bata ay Walang ibang sinagot kundi Opo inay. Nakasali sa isang singing contest si Zain nakapasok sa semi finals at pinalad na maka abot sa grandfinals. ----- Ang araw ng grand finals ay gaganapin sa araw din mismo ng Birthday ni Zain.Habang Si maria ay galit na galit sa anak dahil hindi niya nadatnan ito sa bahay.11 am na siya umuwi dahil dumaan ito sa kanyang kaibigan, dahil walang makain lumabas ito para bumili ng makakain at dahil galit ito habang naglalakad ibinubulong nanaman niya ito Hindi ka kakain ngayon lintik kang bata ka bahala ka sa buhay mo! At Pagdting sa karindiya ay narinig niya ang pangalan ng kanyang anak mula sa TV, ZAIN WYLON. Kitang kita niya ang anak na naglalakad sa gitna ng stage hawak hawak ang mikropono, nakasuot ng americano gwapong gwapo sa suot nito napatitig sa TV si maria at nung kumanta ang anak pumatak ang luha nito, sa unang pagkakataon ay naluha si maria dahil sa anak, lalo na nung marinig ang bawat mensahe sa kantang pinili ni Zain ang HABANG MAY BUHAY. NAIS KONG MABUHAY SA HABA NG PANAHON KUNG ITOY LILIPAS NA IKAY KAPILING KO HABANG MAY BUHAY, ANG AKING BUHAY SAYO IBIBIGAY ANG TANGI KONG PANALANGIN AY ANG PAGSAMO MO KAILAN MAY DI MAGMAMALIW ANG APOY SA PUSO KO HABANG MAY BUHAY... Hindi maampat ang luha ni maria habang pinapakinggan at tinitigan ang anak wala syang pakialam kahit na pinag titinginan na siya nang napaka raming tao, dooy bumabalik sa kanyang ala-ala kung paano niya pinagmamalupitan ang anak mula nung baby pa ito, kung paano niya tinitiis na nagugutom ito na nagsasakripsyo, at kung paano niya ito inalipin. IBIG KONG MALAMAN MO HANGGANG SA DULO NG MUNDO ANG PANGARAP KOY SAYO..HUWOO! (nagpalakpakan ang mga tao at naghiyawan,tumayo ang mga hurado habang nagpupunas nang luha at saka pumalakpak sapagkat ramdam nila ang pagkaka awit ng bata ) HABANG MAY BUHAY, ANG AKING BUHAY HANGGAT ANG DUGO KO AY DUMADALOY SAYO LAMANG IAALAY ANG AKING BUHAY... SAYO..!! IBIBIGAY... Samantala Tuluyan ng napahagulgol si maria sa pag-iyak at nasambit ang PATAWAD ANAK na kahit pinagtitinginan na ng mga tao lalo na nung itinanghal ang kanyang anak na siya ang nanalo, naiiyak hindi dahil matutupad na ang kanyang mga pangarap kundi umiiyak dahil ang pinagmalupitan na anak ay siya pala ang katuparan sa kanyang mga pangarap o siya pala ang naging ilaw at daan sa matagal ng pinapangarap. Tinanong ng mga judges kung aanhin ni Zain ang napanalunan niyang pera ang sabi nya Para sa pangarap ni nanay na magkaroon ng bahay, sasakyan at negosyo. At ikaw anong gusto mo? tanong muli ng mga judges sumagot siya nang Wala po, ang mahalaga matupad na ang gusto ni nanay mahal na mahal ko po kasi siya. Kitang kita sa mata ng bata na naluluha na ito at pagtanong sa kanya kung nasaan ang nanay, dun na tuluyang bumagsak ang kanyang mga luha gustong magsalita pero hindi na nya maibuka ang bibig dahil sa lungkot, dahil sa pananabik sa pagmamahal ng isang ina na hindi niya alam kung kailan mararamdaman. Hindi lang sya ang naiyak pati na rin ang mga nanonood at mga judges. Lalo na ang ina na nanonood lang sa TV. Na Walang ibang sinasambit sa oras na yun kundi ang PATAWAD ANAK. Paguwi ni maria nagmamadli siya na naghanda para sa anak naalala niya kasi na kaarawan nito, ibiniili ng mga damit ng anak at napakaraming pagkain gusto niya kasi bago dumating ang anak nakahanda na ang lahat surpresa ika nga. ----- samantala sa araneta kung saan naganap ang grandfinals, paglabas nina Zain at si Aleng Jin sa gate ay umihip ang malakas na hangin nabitawan ni Zain ang papel na hawak nito at lumipad(tseke na nagkakahalaga ng dalawang milyong na kanyang napanalunan), hinabol ni Zain ang papel at sa kamamadali hindi na niya napansin ang matuling bus na paparating nasagasahan si Zain dead on the spot ang bata,agad na namatay ang bata sa grabe ng pinsalang natamo nito at dahil hindi nila alam ang number ng kanyang Ina basta nalang nila dinala ito sa punirarya, pagkatapos ng lahat sila na mismo ang nagpunta sa lugar nito kasama ang ilan sa mga emplyado sa paligsahang iyon, hinanap pa nila ang bahay ng ina ni zain at nang matagpuan ay agad na kumatok ang isa sa mga empleyado. Tok..Tok..Tok tao po?..Aling maria.. wika ng isang empleyado sino iyan?...Sandali lamang at papunta na ako.. tugon ni maria Sabik Na Sabik si aling maria at nag kukumahog na nagtungo sa pintuan para buksan ito sapagkat masaya ito at gustong surpresahin ang bata inakala nya kasi na kasama ang kanyang anak ang hindi niya alam ay may masamang balita siyang matatanggap at nang mabuksan nya ang pinto.. magandang araw po..Kayo po ba si aling maria ang ina ni zain?? tanong ng empleyado magandang araw din po,opo ako nga po,bakit ho? naka ngiting tugon nito may masama pong balita...Tungkol sa inyong anak aniya nang empleyado Bigla kumunot ang noo nito,ang saya na nararamdaman niyay agad napalitan nang takot at kaba. b-ba-bakit po..?,a-anung nangyari sa anak ko?.. utal na tugon ni maria.. sumama ho kayo sa akin para malaman po ninyo,ako po ay isa sa mga empleyado ng paligsahan kung saan nanalo ang inyong anak ngunit sa kasamaan palad.. biglang napatigil ang empleyado,nakita kasi niyang umiiyak si maria.. a-ano po a-ang nangya-yari s-sa anak ko? muling utal na wika ni maria umakbay muna ang empleyado sa balikat ni maria at saka yumuko,huminga ng malalim bago muling nagsalita.. i-ikinalulungkot ko pong sabihin ngunit...Wala na po si zain..Pagkatapos po nang paligsahan at paglabas ng araneta ay aksidenteng.. muling natigilan ang empleyado, sa sobrang sama ng loob ni maria ay nakuwelyuhan niya ang empleyado.. a-ano?!..Sabihin muna!! sigaw ni maria na-nasagasaan po si zain..Nang rumaragasang bus at..At..Wag po kayong mabibigla pero..Dead on the spot po sya,agad na bumigay ang katawan nang bata..Nay sumama po kayo pupuntahan natin sya. tugon ng empleyado. Nagulat si maria ngunit tila di sya naniwala pero sumama parin sya sa kausap,nagmamadali silang sumakay sa kotse at umalis..Ilang minuto pa ay nakarating agad sila sa punerarya kung saan nakalagak ang walang buhay,malamig at kalunos lunos na katawan ng musmos na si zain,duguan ito halos durog ang mga mumunting buto nang bata,basag ang bungo at ang masaklap labas ang utak nito. Agad na yumakap si maria sa bangkay ng anak di nya ininda ang itsura nito bagkos ay mas yumapos pa ito sa matigas nang katawang lupa ng anghel.Nakita nya ang isang munting papel na may dugo sa kanang kamay nang bata,kinuha nya ito.Pag tingin ay yung tseke na nagkakahalaga nang dalawang milyon,mas napaluha lalo si aling maria,sapagkat ibinuwis nang bata ang sariling buhay nito,kapalit nang ginhawang maibibigay sa kanyang ina. a-anak..Za-zain..Anak..PATAWAD..Patawarin mo ang nanay ha???,a-anak..Nagsisisi ako sa mga nagawa kong mali sayo,napagtanto ko ang napaka laking mali na nagawa ko..Yun ay ang..Ang..Ba-balewalain ka..Z-zain...Bakit anak bakit..Kung kailan naman gusto ko nang itama ang lahat..Saka ka naman binawi nang diyos..Anak ko!...Zain.. pag susumamo nang ina ilang minuto pay,dumating si aling jin at umiiyak din.. ikaw ba ang ina nya??.A-alam mo,napakaswerte mo...Sapagkat nagkaroon ka nang anak na gaya nya..Ka-kaso binalewala mo sya...M-mahal na mahal ka nya,lahat gagawin ni zain..Maiahon ka lang..M-matupad ang pangarap mo..Mabait na bata ang anak mo..Ang tanging hiling lang niya ay ang maramdaman ang pagmamahal mo,uhaw na uhaw sya sa pag aalaga mo,sa pag kalinga nang ina..A-alam mo matalino nga sya eh..Nag sariling sikap sya nang pag aaral,kahit di mo sya tinuturuan at pinag aral.Kaso napaka malas nya!,sapagkat sa isang iresponsable at walang kwentang ina sya napunta!!,napaka sama mo,paano mo nagawang alipinin at tratuhin na parang hayop ang sarili mong dugot laman?!,wala kang kwenta..!! aniya ni aling jin saka sinampal nang malakas si maria. ----- matapos ang senaryong iyon ay agad na binurol si zain,nagtagal lamang ito nang tatlong araw,at saka inilibing.At nang tapos na ay saka nanariwang muli sa isip ni maria ang lahat mula nung bata pa si zain,kung pano nya ito gutumin,saktan at alipinin. Pag uwi ni maria sa bahay,ay agad umupo ito at saka muling umiyak..Habang tinitingnan ang munting litrato ni zain nung nasa paligsahan ito. Tumayo saglit si maria at nag tungo sa salas nang mapansin niya ang isang papel na naka ipit sa gilid ng lamesa,nakatupi iyon.Kinuha agad ito ni maria at binasa,namangha siya sa kinilabutan sapagkat batid nyang si zain nang sulat noon.. inay,patawad po kung hindi ko nagawang sundin ang utos nyo ngayong araw,sumali po kasi ako sa contest at ngayon po ang grand finals nay.Pasensya na po pero gagawin ko ang lahat para manalo dito gusto ko kasing,makitang masaya kayo at matupad lahat nang mga pangarap nyo,inay birthday ko po ngayon kaya pag nanalo ako magluto tayo ng pagkain ah?,mahal na mahal po kita,at sana po mahalin nyo rin po ako bilang anak nyo,pangako po mas magiging mabuting anak pa po ako.Alam ko po nagulat kayo kasi marunong na po ako magsulat at mag basa kasi po nag mana ako sa inyo eh,matalino.Inay tandaan nyo po ito lage ah mahal na mahal po kita,at kahit ano mang yari gagawin ko po lahat matupad lang yung pangarap nyo.I Love you nay nagmamahal-zain halos mabaliw si maria sa mga nabasa,wala na syang nabanggit kundi ANAK PATAWAD. Hanggang sa tuluyan nang bumigay ang utak nya at nawala sa katinuan.Nagpalaboy laboy sa kaldasa at kinalaunay namatay sa sobrang depresyon.Bukod pang doon ay nalunod ito at natagpuan ang bangkay sa may ilog pasig. *wakas* ----- (please read) ang pagmamamahal ng magulang ay hindi matatawaran,ngunit mas matindi ang pagmamahal nang anak sa magulang.Sapagkat ang anak kayang tiisin ang magulang ngunit ang magulan hindi kayang tiisin ang anak ika nga. Bihira lang sa mga anak ngayon ang gagawa nang ganyan.Napaka bihira,kaya sa mga magulang na diyan at magiging magulang sa mga susunod na araw linggo o buwan,ingatan nyo ang anghel na darating sa buhay ninyo sapagkat sila talaga ang tunay na magbibigay nang saya sayo at wala nang iba pa makakatumbas doon. Maraming mga bata sa ngayon,ang salat sa pagmamahal,yung ibay inaalila ng magulang o di kaya ay nang mga kamag anak nito.Salat na nga sa buhay ituturing pang basura,ang kwentong ito ay isa lamang sa mga sasalamin ra realidad sa panahon ngayon.Kawawa at kalunos lunos. Maraming salamat po sa kaunting panahon na inyong inilaan upang basahin ito. Naway maging inspirasyon sa mga mambabasa ang munti kong kwento. -viel mij alcantara admin viel
Posted on: Thu, 21 Nov 2013 04:00:23 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015