Ako si Nicca Miayo ang ultimate fan ni Ate Sarah Geronimo dahil - TopicsExpress



          

Ako si Nicca Miayo ang ultimate fan ni Ate Sarah Geronimo dahil hinangaan ko siya ng buong puso at ipinagmamalaki ko siya kahit saan at kahit kanino man. Simula noong 2008. Hinangaan ko lahat ng pagtiyatiyaga niya para makamit ang mga pangarap niya na ngayon ay natutupad na. At dahil dito, nagkaroon ako ng lakas na abutin din ang aking mga pangarap. Isa na ang makita siyang magperform sa stage ng live. Yung makita ko siya ng malapitan. At natupad naman yun. Nagsumikap ako katulad ni ate sarah. Hinangaan ko din ang kanyang pagiging down-to-earth. Pagiging humble at pagiging totoong tao. Yung inilalabas niya talaga yung tunay niyang sarili. Tapos wala pa siyang kaarte-arte lalo na sa pananamit. Pati na rin ang hindi niya paglimot sa Panginoon. Hindi niya nalilimutang pasalamatan ang Diyos. At ang pagiging mabuti at mapagmahal na anak at kapatid sa kanyang pamilya. Mabuting anak. Lahat ng ito ay aking hinangaan. Naging mabuting ehemplo siya sa kabataan. Sobrang hinahangaan ko talaga siya as a whole person. Shes almost perfect! Beauty, brain and super talented plus a kind heart! Oh diba? San ka pa? Ang galing-galing niyang kumanta. Tipong mapapasabay ka talaga at mararamdaman mo yung ipinapahiwatig ng kanta. Yung feeling mo na siya yung original singer. Tapos pagnasayaw naman, ikaw naman yung mapapagod sa mga ginagawa niya. And sa acting, madadala ka talaga. Mata pa lang, pang best actress na! Ang galing ni idol! Yung mga ineendorse niya, ginamit ko na lahat yun katulad ng sa shampoo, SUNSILK. Hahaha! Basta ginamit ko na at ginagamit parin yun. :D Ineendorse ni idol eh! I really love to listen to her songs and watch her movie! Yung tipong nakarepeat lagi. Hindi kasi nakakasawa kahit na luma na ito or bago. Bast pag si ate sarah na ang kumanta, wala ng sawaan ito! :) Dahil dito, nahawa ko yung iba kong friends at kapatid ko. Hahaha! Pero mas adik pa rin ako kesa sa kanila! Si ate sarah, di siya nagpapabaya sa studies niya, kaya ako, hindi din. Kasi siya nga na hectic ang sched gustung-gusto mag-aral ako pa kaya na ang luwag-luwag? So siya ang isa sa mga inspirations ko to have a good grades. And nung hs grad, I became a salutatorian. Galing noh? Kaya ngayong college na ko, mas pinagbubutihan ko pa. Sinusuportahan ko din siya hanggang sa aking makakaya. Katulad ng pagbili ng albums and magazines. Pero konti pa lang yung nacocollect ko kasi wala akong budget pambili. Pero kapag may dyaryo at meron picture ni ate sarah, gugupitin ko tapos iipunin ko. Tipong christmas gift, album niya ang hinihiling ko. Basta pag may ipon, bili agad. :) Paminsan-minsan ay sumasama ako sa mga popsters para mapanood at suportahan si ate sarah. Dalawang beses lang naman nangyari at sana maulit muli. Kung saan siya masaya, mas masaya ako para sa kanya. Kapag kasi nakikita ko yung mga ngiti ni ate sarah, nakakagaan ng loob. Yung kapag badmood ka tapos titigin mo lang yung picture niya, mawawala lahat. Malilimutan mo na ang mga problema mo. Siya yung kumukumpleto ng araw ko. Inaabangan ko yung bawat shows niya, commercials, youtube videos from viva. Lalo na nung may Sarah G Live and SOS prod niya sa asap, di ko pinapalagpas yun. Dahil yun ang kumukumpleto sa araw ko. Naging habit ko na nga din ang pagiging updated kay Ate. Yung tipong lahat ng may mga keneksyens sa kanya finafollow at inaadd friend mo. Para lang malaman mo lahat ng nangyayari kay ate. Kapag naman hindi ko naabutan yung mga shows and prods niya sa tv, masakit. Kasi hindi ko siya napanood. May kumikirot sa puso ko, kasi parang nagtraydor ako. Parang ganun kasi kapag hindi ko siya napanood. Kaya napapaiyak na lang ako kapag nangyayari yun. Sira na ang araw ko pero nabawi talaga ako sa panonood sa kanya tulad ng paulit-ulit na panonood sa youtube ng videos niya. Nirerespeto ko siya bilang tao, singer and actress. Lahat ng ginagawa niya ay aking sinasang-ayunan. Lahat ng changes inaaccept ko with all my heart. Dahil idol ko siya eh. Mahal na mahal ko siya. Kung ano ang nararamdaman niya, mas doble sakin. Katulad minsan, kapag naiyak siya, mas umiiyak ako. Kapag nasasaktan siya, mas nasasaktan ako. Ayoko kasing makitang ganun si ate sarah. Gusto ko happiness and love lang. Pero normal lang naman yun diba? Gusto kong makita siyang nakangiti lagi at masaya. Bilang fan, gagawin mo lahat para makitang masaya ang idol mo. Dahil kapag masaya siya, mas masaya siya. Kumbaga sa kanya ka kasi nahugot ng lakas. Siya ang enervon mo sa pang-araw araw. Minahal ko siya kung ano siya. As in sobrang mahal. Yung tipong lahat na lang gagawin mo for her. Tulad ng pagvovote sa mga nominations niya. Magpupuyat ka talaga at gagawa ng super daming accounts para lang manalo siya. Happiness ko na kasi kapag nanalo siya. Sobrang saya nun promise na naging part ka sa pagkapanalo niya. Achievement na yun para sakin. :) I appreciate lahat ng ginagawa niya for us. Sobrang thankful ako dahil naging idol ko siya. Minsan nga, ginagawa ko kung paano siya kumanta, sumayaw, tumawa, magsalita, at lalo na yung pirma niya! Kung paano siya magsulat! Hehehe. Pero wala talaga akong talent sa singing & dancing kaya hanggang pagpirma lang ang keri ko. :D Ako yung tipo ng fan na hindi nambabash but still defending her in a right way. Kasi nirerespeto ko si ate sarah. Hindi niya kasi ugali ang pambabash kaya bat ko uugaliin yun diba? Ang maganda kasing gawin, tumahimik na lang para walang gulo. Isa yan sa mga natutunan ko mula kay ate sarah. Ang tunay na fan, alam ang kanilang limits. Hindi yung basta-basta na lang kilos. Iniisip muna ang ipopost bago iclick. Sabi nga, think before you speak. Inadopt ko lahat ng magagandang aral na natutunan ko bilang isang fan ng isang Sarah Geronimo. Na maging mabuti, laging magpasalamat sa Panginoon at sa mga tao, to be respectful, maging totoo in a good way, maging humble, at mahalin ng walang humpay ang pamilya at maging mabuti at masunuring anak. Di ko din nalilimutang isama si ate sarah sa mga dasal ko. For her safety, love, and sa career. Hindi biro ang pagiging fan or pagiging POPSTER. Dahil nakasalalay sayo at dala-dala mo ang pangalan ng nag-iisang Sarah Geronimo. Mahirap, pero worth it lahat kapag nakita mong masaya ang idolo mo. Masaya talaga ang maging Popster. Its like a roller coa ster ride, youll need a lot of patience to make a ride on it, once you started it, it makes you feel nervous because of the excitement, and when it start, youll go up and down, but in the end, itll make you forget all your worries and change it to happiness. And because of that you wanted it more and love this forever. Ni sa panaginip gusto ko siyang makasama. At nagsuccess naman ako dahil napapaginipan ko minsan si ate sarah! Nakakatuwa nga dahil ang close close namin dun. Sana maging ganun din sa personal. Minsan nga iniisip ko kung pano kaya pag naging personal assistant ako ni ate sarah? Edi palagi niya akong kasama. Hahaha! Genyan talaga. Pati aso niya pinapangarap mo na sana naging ikaw na lang yun. Fan ako eh! Hehe. Dahil sa pag-aadik ko kay Sarah Geronimo, madami akong nakilala. Mga kapwa fans din na naging kaibigan at mahalagang tao sakin. Naging friendly ako, natutong makipagsalamuha sa iba ng dahil sa kanya. Kakapalan mo na talaga ang mukha mo pag dating sa idolo mo. Genyan siguro pag-adik ka na talaga, tipong kakaibiganin at ifofollow mo lahat ng may keneksyens kay ate sarah. Nagawa ko na lahat yan. I even saved pictures, videos of her from online. Sa sobrang adik ko, naging official popster ako but I dont have the chance to take pic with her. At dahil sa student pa lang ako at hindi afford ang concert niya, I grabbed this opportunity. Malay naman natin na baka palarin at manalo ako. Lahat gagawin ko for sarah g. Kaya sumali ako dito. Im so addicted to her thats why I want to see her live at the araneta! Kapag nanalo ako, this will be the first time na mapapanood ko siya sa concert niya. I know that God made you as a way to make our dreams come true. So thank you po dahil ginawa niyo po ito samin. Maraming deserving pero sana isa po ako sa mga yun. Dahil sa mga ito, proud na proud akong isigaw na ako ay isang taga-hanga ng nag-iisang Sarah Geronimo. Hinding-hindi ko iiwanan ang pagiging Popster. Dahil mahirap man, kasiyahan naman ang ipapalit sayo nito diba Popsters? Aminin! Mahal natin ang pagiging Popster! :) WE LOVE YOU SARAH! I LOVE YOU SARAH ASHER TUA GERONIMO! ❤ PS. I love you forever and hindi ako magsasawang maging fan mo kahit matapos pa ang forever! Youll always be in my heart! I love you Sarah Geronimo! - Nicca Miayo
Posted on: Sat, 09 Nov 2013 08:03:03 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015