Alam mo, kung binabalewala ka lang nung taong mahal mo. Kahit na - TopicsExpress



          

Alam mo, kung binabalewala ka lang nung taong mahal mo. Kahit na effort ka na ng effort, siguro panahon na rin para intindihin mo ang sarili mo. Hindi lahat ng oras eh ikaw ang bigay ng bigay. Matuto ka rin magpahinga. Alam mong ginawa mo na ang lahat para iparamdam sakanyang mahal mo siya, pero siya, dedma? Kuha lang ng kuha? Nako. Take a break muna. Have a KITKAT. Pero ‘di nga? Kung kaya niyang ganyanin ka, kung kaya niyang mabuhay ng wala ka, aba siyempre mas kaya mo noh? Lalo na kung ikaw yung babae, naku, minsan, parang tini-take for granted ka na. Hinahayaan niya lang na bigay ka ng bigay sakanya ng effort, kasi alam niyang hindi ka magsasawa. Alam niyang kahit anong gawin niya, hindi ka mapapagod. Wag mong hayaan ang sarili mong mabulag at mabingi sa mga kasweetan niya. Kung talagang mahal ka rin niya, patas lang dapat kayo. Mageeffort din siya para makita at makausap ka at ipaparamdam niya sayong mahalaga ka. Hindi lang yung sasabihan ka ng “MAHALAGA KA SAKIN” tapos wala naman siyang ginagawa. Ate samLike ·Comment ·Share
Posted on: Mon, 28 Oct 2013 06:44:05 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015