Ama patay, anak sugatan matapos makoryente sa La Union SAN - TopicsExpress



          

Ama patay, anak sugatan matapos makoryente sa La Union SAN FERNANDO CITY, La Union - Pinaglalamayan ngayon ang isang 53-anyos na ama, habang ginagamot naman sa ospital ang kanyang anak matapos silang makoryente sa Barangay Pao Norte sa lungsod ng San Fernando, La Union. Nakilala ang nasawi na si Edward Ducusin at ang sugatang 25-anyos na anak nito na si Eric Ducusin Jr. Sa ulat na nakalap ng Bombo Radyo La Union mula sa San Fernando City police station, tinangka umanong sagipin ni Eric ang ama nito mula sa pagkakoryente sa kanilang bahay, ngunit nasagi ng anak ang isang kawad ng koryente dahilan upang madamay rin ito. Agad namang isinugod sa Ilocos Training and Regional Medical Center ang dalawa ngunit binawian ng buhay ang nakakatandang Ducusin dahil sa malubhang pinsala na natamo nito.
Posted on: Tue, 08 Oct 2013 12:21:55 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015