Aminin ko po, ang hirap gumawa ng kwentong nasa Wikang Pilipino lalo na eh isa po itong kathang-agham (Science Fiction) na dulang pangkabataan (Teen Drama) na sagana sa mga terminong teknikal. Hindi na po sa ngayon magbabago ang aking pasya na tuluyan na po ninyo mababasa ang aking katha sa Wikang Ingles. Kung mayroon po kayong maimumungkahing mga kathang-Pinoy nasa kategoryang kathang-agham, hahanapin ko po iyun at babasahin.
Posted on: Sun, 25 Aug 2013 05:44:44 +0000