Anak inakalang aswang, inatado ng ama Ni Joy Cantos (Pilipino - TopicsExpress



          

Anak inakalang aswang, inatado ng ama Ni Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) | Updated November 1, 2013 MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 17-anyos na dalagitang pipi matapos na pagtatagain ng sariling ama nang mapagkamalang aswang sa Barangay Garita, bayan ng San Enrique, Iloilo kamaka­lawa ng gabi. Kinilala ni P/Chief Insp. Rogil Morales, hepe ng San Enrique PNP ang biktima na si Wennilyn Rapista na isinasalba ang buhay sa pagamutan sa tinamong mga taga sa likurang bahagi ng katawan, kamay at mga paa. Sising alipin naman na sumuko sa pulisya ang ama ng biktima na si Winnie Ra­pista, 41, magsasaka at kap­wa nakatira sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon, sinabi ni Morales na naganap ang insidente sa likuran ng bahay ng pamilya Rapista na nasa liblib na lugar at hindi pa naabot ng linya ng kuryente. Nabatid na lumabas ng bahay ang biktima dahil sa tawag ng kalikasan at dahil naman sa mga kaluskos sa likuran ng kanilang tahanan ay naalimpungatan naman ang ama nito. Agad nitong kinuha ang bagong hasang itak at sa pag-aakalang aswang ang kumakaluskos sa likod ng kanilang bahay ay agad pinagtataga ang biktima. Nagulantang na lamang ang suspek nang marinig ang impit na panaghoy ng anak at huli na ng malaman nito na ang dalagita ang kaniyang pinagtataga. Sinasabing ang lahi ng mga aswang na kinatatakutan sa bayan ng Duenas, Iloilo kaya hindi na bago ang kuwento ng nasabing katatakutan. Ate sam
Posted on: Fri, 01 Nov 2013 06:04:03 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015