Anak kay kumpare inako ni mister (Cherk Almadin) Bugbog - TopicsExpress



          

Anak kay kumpare inako ni mister (Cherk Almadin) Bugbog sarado ang isang lalake matapos na sugurin ng kanyang kumpare na mister ng isang ginang na paulit-ulit niyang hinalay hanggang sa mabuntis sa lungsod ng Caloocan. Nagawang gulpihin ang suspek na si Emmanuel Reyes, 36 anyos, binata, walang trabaho at residente ng Novaliches, lungsod ng Quezon dahil sa galit ng asawa ng biktima na itinago sa pangalang Romeo, 35-anyos matapos na malaman ang kahayupang ginawa nito sa kabiyak na itinago rin sa pangalang Juliet, 29 anyos ng Tala, Barangay 184 ng nasabing lungsod. Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Catherine Rame ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Caloocan City Police Sub-Station 5, limang buwan na umano ang nakakalipas nang umpisahang gahasain ng suspek ang biktima. Sa tuwing gagawan umano ng kahalayan ng suspek ay pinagbabantaan ang biktima na papatayin niya umano ang 5-anyos na anak ng biktima na inaanak niya rin. Dahil sa takot ay hindi niya magawang magsumbong hanggang sa dumating ang kanyang mister na si Romeo na galing Canada at ipinabatid na nagdadalang-tao ito. Noong una ay iniisip pa ni Romeo na pinindeho siya ng asawa hanggang aminin ng biktima na ang kumpare pa niya mismo ang gumawa ng ikasisira ng kanyang pamilya. Halos isang araw ding hindi nagsalita si Romeo hanggang kamakalawa ng gabi ay umalis ito ng kanilang bahay at puntahan ang suspek sa bahay nito na nang makita ay hindi na niya napigilan ang sarili at ginulpi niya ito ng todo, pagkatapos ay tinawagan niya ang asawa at pinapunta sa himpilan ng pulisya at kinasuhan. Samantala, kahanga-hanga naman ang tatag at tapang na ipinakita ng asawa ng biktima na sa kabila ng matinding pagsubok na dumating sa buhay asawa ay nagpakita pa rin ng labis na pagmamahal sa misis at buong pamilya. “Wala naman siyang kasalanan, lalo na yung pinagbubuntis niya! ang may kasalanan lahat ng ito ay ‘yung hayup na yan! (suspek). Aalis na rin naman kami, kukunin ko na mag-ina ko, para makalimutan din ng anak ko ‘yung mga nangyari, ituturing ko ring tunay na anak ‘yung ipinagbubuntis niya dahil hindi karapat-dapat magkaanak ang walanghiya niyang ama!” ang maluha-luhang sabi ni Romeo sa panayam ng Tonite. abante-tonite/issue/nov0513/crime_story02.htm
Posted on: Mon, 04 Nov 2013 17:30:01 +0000

Trending Topics



God-SpeakingYOU-SET-ME-topic-750369571664261">I SING today because YOU first LOVED me..oh God SpeakingYOU SET ME
Jual Cheat LostSaga Indonesia Fiture Sederhana -Anti Skill -Anti
Cerita Weked Hari Ini Malam minggu Menyelinap Sejenak Melihat
Dear Friends, My birthday is coming up on September 1st. Last
INEXPENSIVE MLB Sportula Products 3-Piece BBQ Set Where Can I
#Belarus Job: IOS Developer - Minsk - HiQo Solutions is looking

Recently Viewed Topics




© 2015