Ang Aking Buhay Pag ibig short story: Bakit nga ba tayo - TopicsExpress



          

Ang Aking Buhay Pag ibig short story: Bakit nga ba tayo nagmamahal? Kung ang hatid naman nito ay sakit na masahol pa sa pakiramdam ng pinutulan ng kamay at paa, gamit ang isang mapurol na kutsilyo at pagkatapos ay pipigaan ng kalamansi? Mas higit pa siguro do’n kung ang dahilan ay isang taong labis mong minahal, kapantay ang langit at mga bituin at ito ang kwento ko. Noong nasa 1st year high school pa Ako ay isa akong varsity ng basketball sa aming paaralan ngunit sa aking pagiging isa sa mga popular na estudyantre ay may ugali ako na di kanais nais sa isang mag-aaral napaka tahimik ko lang sa klase walang masyadong kaibigan at torpe kung tawagin nila. Ang pangalan ko nga pala ay si Michael Joshua chan peru mj ang tawag nila sakin for short, nasa unang pangkat na section ako noon at doon kuh nakilala si jasmine reyes mag kaklasi kasi kame, unang kita ko palang sa kanya ay nasabi ko na sa sarili ko nah wow! Ang ganda niya ang swerte kuh naman kung siya ang magiging girlfriend ko. Isang araw papauwi na sana ako may nakita ako sa malayo na tatlong lalaki at isang babae at parang pinag sasamantalahan nila ang babae nagmadali akong pumunta sa kanila at pag dating ko hindi ko inaakala na si jasmine pala ang babae na yun nakipag suntokan aku sa tatlong lalake para mapag tanggol ko lang siya, Simula noong araw na sinagip ko siya, ay naging matalik na mag ka ibigan na kame lumampas ang mga araw, buwan, at taon ay palagi kaming magkasama. Hanngang isang araw nag lakas loob akung sabihin sa kanya na MAHAL na MAHAL ko siya bumili pa ako ng bulaklak para sa kanya. Nilapitan ko na siya sabi ko JASMINE may sasabihin ako sayo sabi nya ano yun?ang lakas nang tibok ng dibdib ko noon, sabi ko sa kanya JASMINE gusto kita at sabi niya. Gusto rin namn kita kaso may boyfriend na ako sorry ang tagal mo kasi eh, tumalikod ako at wala na akong sinabi pa ang sakit2 nang narmdamn ko parang wala ng bukas, peru sabi ng mama ko normal lang ang masaktan pag nagmamahal wag kalang mwalan ng pag asa wag kang matakot mag mahal ulit. kaya lumakas ulit ang loob ko para di sumuko sa buhay mula noon wala na akong balita ni Jasmine peru aaminin ko siya ang unang babaeng minahal ko. hindi man naging kame sa huli peru atleast nalaman ko na gusto niya pala rin ako at doon ko rin nalaman na hindi lang sa isang tao umiikot ang mundo mo at nalaman ko rin na hindi lahat ng love story ay may happily ever after, kaya wag kayong mawalan ng pag asa mag mahal, darating din ang tamang babae para sa inyu. Written by: Michael Joshua A. chan tripan ang essay hahaha
Posted on: Wed, 10 Jul 2013 07:33:40 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015