Ang Aklat ni Habakuk Panimula: Ang mensahe ni - TopicsExpress



          

Ang Aklat ni Habakuk Panimula: Ang mensahe ni Propeta Habakuk ay nasulat nang matatapos na ang ikapitong siglo B.C. noong ang Babilonia ay nasa kapangyarihan pa. Labis siyang nabahala sa karahasan ng malulupit na taga-Babilonia. Kayat naitanong niya kay Yahweh, Bakit hindi kayo kumikibo gayong pinupuksa nila ang mga taong higit na mabuti kaysa kanila? (1:13). Sumagot si Yahweh na siyay kikilos pagdating ng takdang panahon, samantala, ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya (2:4). Ang iba pang bahagi ng aklat ay pahayag tungkol sa kapahamakang darating sa mga gumagawa ng kasamaan, at nagwawakas sa pamamagitan ng isang awit ng pagdakila sa Diyos at pagpapahayag ng walang maliw na pagtitiwala ng propeta.
Posted on: Fri, 29 Nov 2013 00:57:13 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015