Ang Haba ng Bangs ng Pangit na si Mikay DISCLAIMER: The following - TopicsExpress



          

Ang Haba ng Bangs ng Pangit na si Mikay DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works, places, events and any person, living or dead are purely coincidental. Thank You. Porket pangit wala ng karapatan magmahal? Agad-agad? Wala ng karapatan mahalin? Pwes! Dyan kayo nagkakamali. Dahil papatunayan ni Mikay na hindi hadlang ang itsura para hindi mahalin ng ISANG LALAKI. KOREKSYON!!!!! Mahalin ng TATLONG NAG-GAGWAPUHANG LALAKI. Sa haba ba naman ng BANGS NIYA na abot hanggang Great Wall of China tignan ko lang kung di siya kainggitan ng mga ibang babae.At alam niyo ba ang kantang. “SANA DALAWA ANG PUSO KO?”. Ngayong pinanganak na si Mikay, pinalitan na ito na. “SANA TATLO ANG PUSO KO.” hmmmmmm. Tatlo nga lang ba kaya ang SUITOR NIYA? Alamin!!! Prologue… Mikay POV. Bumaba na ako saking magarbong sasakyan. At parang slow motion na napatingin sakin ang mga estudyante. Lumakad ako sa hallway na ala-Tyra Banks. Rampa kung Rampa ang drama ko. Wala akong pakielam sa mga estudyanteng nakatingin sakin. Bakit? Pinapakain ba nila ako? May utang ba ako sa kanila? WALLLLLAAAAA!!! Kaya wag nilang basagin ang Trip ko. Sanay na rin naman akong pagtinginan ng mga Tao. Hindi man ako maganda sa paningin nila. Pwes! Sabi ng salamin ko saking mala-paraiso kong kwarto. MAGANDA AKO! At sabi ng Mommy ko. MAGANDA AKO! o di ba ang lakas makamayaman? MOMMY! Kaya sila lang ang paniniwalaan ko at wala ng iba pa. Fighting Spirit kung Fighting Spirit ang Labanan diyan. Sa tagal ko ng nabubuhay sa mundong ito. Sawa na ako sa panlalait ng iba. Manhid na kumbaga. At kung papa-apekto ka sa mga yan! Masisira lang ang beauty mo. At mas lalo ka lang nilang ipagtutulakan pababa at kukutyain. Pero hindi sila uubra sakin. Abusado na kasi sila e. Tao rin ako at kailangan ng konting Respeto. Hinawi kong slight ang aking Bangs. Yan ang pinaka-asset ko, ang aking napakagandang bangs. Charot!!! Haha!! Tinaas ko ang aking kilay at isa-isang tinignan ang mga estudyante. Huh!! Isa lang ang masasabi ko! ang CHAKA NILA! Anak ba sila ni Piccolo at Majimboo? Sarap nilang ipadurog kay Goku. Haha!! Ang kaso ng tumingin uli ako saking harapan para maglakad na. Bigla akong nadapa. Panira naman ng moment ito. Nandun na e! Tingin-tingin sa paligid kung nakatingin pa rin yung mga estudyante sakin. Aghhh!! Kasi naman. Bongga na yung Entrance ko e! Tapos may bumato ng nilamukos na papel sa mukha ko. “HOY! PANGET!! ARTE-ARTE PA KASING MAGLAKAD KALA MO NAMAN SINONG KAGANDAHAN.” Agad akong tumayo para paruhasan ang hampaslupang bumato sakin. “Abay!!! Hoy lalaking mukhang dinikdik na kuto!Gusto mo yatang tirisin pa kita ngayon din?.” Nakapa-mewang pa akong hinarap yung lalaki na yan. “ACHUCHUCHUCHUCHUCHUCHUCHUCHUCHU.” Halatang iniinis lang ako e. Nakanguso pa siya tapos binebelatan pa ako. Parang bata. Sarap talagang patayin ng Mark Lacson na ito. oo! Siya nga po! Ang lalaking walang alam gawin kundi sirain ang bawat araw ko. Mula ng naging kaklase ko yan! naku! Sinumpa ko na sa Biyak na Bato na hinding-hindi ko siya lalapitan. Ang kaso siya itong lapit ng lapit sakin. Lapit ng lapit para bwisitin ako. “Ikaw talaga, kahit kailan Mack! Inaasar mo na naman si Mikay.” –si Neil. Presenting………… Si Neil Emmanuel Santiago, ang kaibigan kong nuknukan ng bait, talino at higit sa lahat nuknukan ng gwapo. Hindi ko alam kung pano ko naging kaibigan ito. Mula high school kaibigan ko na yan pati si Michelle Alcantara. Gawin mo lang babae si Neil, ganun na ganun yung deskripsyon niya. Teka asan na pala yung isang iyon? Usually kasi nandito na yun e. “see? Kita mo na Bro! natulala sa aking kagwapuhan yang si Mikay. Alam ko naman na matagal na akong pinagnanasaan niyan e.” Si Mack. Nagpantig na naman ako saking narinig. Ako pagnanasaan si Mack? Kilabutan naman sana siya sa mga pinagsasabi niya! “Kapal! Kapal ng kalyo sa mukha?! hay naku…… makaalis na nga rito. Para kasing may ipo-ipo lumakas bigla yung hangin.” Walk-out ako. Hindi ko na sila hinintay pang sumagot. Baka hindi ko pa mapigilan ang aking sarili at mapatay ko pa si Mack. “Psssttt!! Teka!! Mikay!” si Neil. “Hahah! Kahit kailan talaga, talunan ang pangit na si Mikay!.” Si Mack. Huminto ako sa paglalakad. Bumalik ako sa kinatatayuan niya. Tinaasan ng kilay. “ANUNG SABI MO!!!.” “WOOOOAAHHHH!! EASY! NAGMUMUKHA KA TULOY DRAGON!!!” “MACKKK!!! MAMATAY KA NA SANA!!!” Tawa siyang ng tawa pati si Neil. Naku! Nakakataas talaga sila ng HB!! Yung totoo Mikay? High Blood na nga e! Tinignan ko rin si Neil. Napatigil naman ito sa kakatawa. Buti naman nakuha niya ang gusto kong ipahiwatig. Kundi patay talaga sakin ito. “Sorry!.” Si Neil sabay kamot ng ulo niya. hihi! Ang cute niya kaya. “Ok, tol! Mag-sorry ka na rin kay Mikay!” pahabol ni Neil. “as if naman!” panunudyo ko kay Mack. Naku yang impaktong yan? mag-sosorry, asa lang ako. Asang-asa lang talaga ako. “ok, sorry na po Ms. Mikay.” Si Mack. Huwattttttttttt? Si Mack, sa kauna-unahang pagkakataon? Nagsorry? Pero hindi ako naniniwala. Kaya isang malaking “TSE!!!” ang sinabi ko sa kanya. “Arte talaga nito, nagpapasorry na nga. Gusto mo lang nyan i-kiss kita e.” si Mack. Talagang ‘to! Kahit kailan. Pasalamat siya huh! temper! Temper! Pansin ko lang nasa gitna pa rin kami ng hallway, at pinag-titinginan pa rin kami ng mga tsimoso’t-tsismosang mga palaka. “tigilan mo nga ako Mack! Panira ka talaga ng araw kahit kailan.” “oh tanggapin mo muna yung sorry ko.” “ayoko!” “isa. Hahalikan talaga kita.” “ayoko. Sige aalis na ako. BABOOOO!!!” –ako. Pagtalikod. May mga kamay na humawak saking braso at hinarap ako sa kanya. Tapos. Tapos. Tapos. ARRRRRGGGGGG!!!! HINALIKAN NGA AKO NI MACK!! Hindi ito maaari!! Never! Hindi ko pinangarap na isang hampaslupang tulad ni Mack ang makakakuha ng pinaka-iingatan kong First Kiss. MAPAPATAY KO TALAGA ITO!!! IBABAON KO SIYA LUPA KUNG SAN SIYA GALING!!! * * * * * * “ATE!.” PAKKKKK!!! Napabalikwas ako bigla saking kama. “Ayan, kundi pa kita sinampal malamang, kanina ka pa nangingisay diyan. Hirap mo talagang gisingin kahit kailan. Yung Prince Charming mo, kanina pa naghihintay sayo. ma-le-late na naman kayo ng dahil sa kagagawan mo.” panermon ni Chu-chi sakin. Sa pagsasalita ng gaga kong kapatid aakalain mo bang pitong taong gulang pa lang yan?Mas matanda pa kung mag-isip yan sakin. Hay ano na ba ang nangyayari sa mundo. Napahawak ako sa pisnging sinampal ni Chu-chi. Ang hapdi ah, ganun ba talaga kasarap yung tulog ko? May pagka-sadista din pala itong pinakamamahal kong kapatid. Teka tulog? Ibig sabihin! Hindi talaga ako hinalikan ni Mack? WAHHHHH!! Buti na lang! buti na lang haha! Ang akala ko pa naman nakuha na niya ang first kiss ko. Salamat naman Lord! Hinding-hindi ko hahayaan na mangyayari yun sa totoong buhay never!!! Tsaka talagang panaginip lang siguro yun. Kailan pa kami nagkaroon ng magarbong sasakyan? Tsaka MOMMY!!? Grabe lang! buti pa sa panaginip ang sosyal-sosyal ko. Nabalik lang muli ako sa katinuan ng makita kong naka-amba na naman ang kamay ng kapatid ko para sampalin uli ako. aba! Talagang baligtad na huh! siya na lang kaya ang ate ko? “hoy! Anong gagawin mo!?.” “sasampalin, tanga lang ate? Mukhang di ka pa kasi yata nagigising eh. Tulala ka na naman diyan. Nandyan na ngayong prince charming mo sa labas iniisip mo na naman.” “naku! Kabata-bata mo pa! ang landi mo na! tigil-tigilan mo nga ako! sige na lumabas ka na dun!.” “asus kunwari ka pa!. kinikilig ka naman alam ko.” si Chu-chi. “yan ba ang natutunan mo sa eskwelahan? Huh!! tsaka ilang beses ko bang sasabihin sayo na magkaibigan lang kami ni Neil.” Kunwari galit kong sabi. “ok.ok.ok. sabi mo e, sasabihin ko na lang sa kanya na hintayin na lang niya ako, at ako na lang ang ligawan niya. hmmmp!! PANGET na MASUNGET!!.” Lalabas na lang mang-aasar pa e. Batang yun, sarap kurutin ng pinung-pino sa singit. Hindi ko alam kung kanino siya nagmana. Kay mama? Hindi, kay Papa? Hindi rin, sakin? mas lalong hindi, o baka naman kay Rommel? Hindi rin. Kapatid kong lalaki na sumunod sakin. Hala si Neil, baka nga kanina pa naghihintay sakin yun. Siya yung sinasabi ni Chu-chi na Prince Charming ko, pano kasi sa tagal na naming magkaibigan, tapos hatid-sundo pa niya ako. Ayun, yung atrimitida kong kapatid napagkamalang may gusto ako sa kanya o mas magandang sabihin na nililigawan ako ni Neil. Which is not. Though, I wish na ligawan niya talaga ako! haha! Pati kaibigan ko pinatos ko? why not!? Handsome, kind, and intelligent. Oh diba in-english ko lang yung sa panaginip ko kanina. Kaso may kulang pa iyon, masiyahin, mayaman, understanding at yung pinaka-nagustuhan ko sa kanya ay yung kagandang-loob niya. Hindi siya tumitingin sa panlabas na anyo. Akalain mong naging magkaibigan kami di ba?at superclose! My Hero Forever. ahaha!! Totoo naman dati pag may nang-aasar sakin todo rescue yan. Pero sa totoo lang may crush pa akong isa eh! Pero sikret lang natin yun ah? Baka malaman ni Neil yun e hiwalayan niya ako. Seloso pa naman yun! Okey ako na ang nagfefeeling GF. Hayaan na! POV ko naman ito eh! Pwedi kong sabihin lahat ng gusto ko. haha!! Si Aljon Ramirez!! Shet!! Kilala niyo? malamang hindi pa. Sige papakilala ko siya sa inyo. Siya lang naman yung MVP ng Basketball sa University namin. Gwapo? check na check! Ang lakas ng charm niya. naku shet! Kinikilig ako!! lalo na pag nanonood kami ng basketball tapos siya yung naglalaro. Mapapatili ka talaga ng bongga. Basta nasa kanya na yata ang lahat! Haiiiii!! Ang problema hanggang tingin lang ako sa kanya. Oo yun ang masakit na katotohanan. Pano sa dami ba naman ng magagandang babae ang nakapaligid at nagkakandarapa sa kanya. San pa ako sisingit dun? At baka sandamakmak pang panlalait ang abutin ko sa kanila. Tsaka baka laitin at pagtawanan din naman ako nung si Aljon. Kilala kasing babaero din yun e, pano na lang kung malaman niyang may gusto ako sa kanya. Masuka pa iyon. Kung kayang patayin ko na lang silang lahat para wala ng choice si Aljon kundi ako ang piliin niya? Enebetong mga pinag-iisip ko. Papatay pa ako ng dahil lang sa isang lalaki? Kahihiyan na malaki. Tapos kakalat sa dyaryo… anong magiging title? “isang pangit na babae pinatay lahat ng magaganda sa kanilang eskwelahan ng dahil sa kanyang crush.” Kinalabutan naman ako dun. “ATE!!! LABAS NA SA LUNGGA MO!!.” si Chu-chi! Napahaba pala ang pag-de-day-dream ko. “oo! Ayan na!!.” Lumabas na ako para mag-almusal at nadatnan ko si Neil na nakaupo sa may sala. Ngumiti lang siya sakin. Kung ganito ba naman kagwapo ang makikita mo araw-araw sa paggising mo, kahit hindi ka na mag-almusal. Ngiti palang busog ka na. ***ooopssss. Stop muna Here:)) A/N: I hope nagustuhan niyo ang bagong story ko. Isa itong romantic comedy na may konting drama rin. Haha ano masasabi niyo kay Mikay? Sino kaya ang makakatuluyan niya sa bandang huli. At ang pinaka-tanong diyan. Gaganda kaya si Mikay? Abang-abang din kayo pag may time. 55 LIKES TO VIEW THE NEXT CHAPTER. HAHA!! PARA NAMAN MATAGAL YUNG POSTING:) ENJOY READING.... -facebook/adminbabe15
Posted on: Thu, 06 Jun 2013 03:30:55 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015