Ang Lihim na Hiwaga ng Diyos na Nahayag Ngayon Colossas 1:15-19 - TopicsExpress



          

Ang Lihim na Hiwaga ng Diyos na Nahayag Ngayon Colossas 1:15-19 At Siya’y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa Kaniya.” (talatang 17) Pakinggan ang sabi ng Propeta ng Diyos tungkol sa bagay na ito: Ngayon, may lihim na iniingatan ang Diyos sa Sarili Niya bago pa ang pasimula ng sanlibutan… Sa isipan ng Diyos, may isang bagay na nais Niyang tuparin, at mayroon Siyang motibo kung bakit Niya gagawin ang bagay na ito, upang maipakilala Niya ang Kaniyang Sarili. Sapagkat nung una, wala pa kahit ang buwan, bituwin, atom, molecule, kahit na ano; Siya ay Diyos. Subalit hindi pa Siya lubos na Diyos nung panahong iyon, sapagkat ang Diyos ay pinatutungkulang ng pagsamba, at wala pang sumasamba sa Kaniya noon. Sa dakila Niyang kaisipan ay nais Niyang maipamalas ang mga katangiang ito. At sa kalooban Niya ay pagibig; sa kalooban Niya ay isang Ama; sa kalooban Niya ay isang Anak; sa kalooban Niya ay isang Tagapagligtas; sa kalooban Niya ay isang Manggagamot. At ang lahat ng mga katangiang ito na ating nasasaksihan sa ngayon, ay pawang nasa Diyos na noon pa man. Kaya sa aking opinyon, ang una Niyang nilikha ay ang mga Anghel (Isaias 14:12-14). At pagkatapos ay sinamba nila Siya at dahil diyan Siya ay ganap na naging Diyos. At doon Siya nagpasimula. At ngayon, nung nagsimula na Siyang sambahin ng mga Anghel, iyon ay bago pa man magkaroon ng mga molecule sa ibabaw ng lupa; wala pang kahit na ano noon. Ang lahat ay pawang kadiliman; walang araw, o buwan, walang mga bituwin, walang kahit na ano; gayon man Siya ay Diyos. Tulad ng tanong Niya kay Job, “Saan ka nandoon nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa? At ang lahat ng mga anak ng Diyos ay naghihiyawan sa kagalakan? Saan ka nandoon?” (Job 38:1-7). Iyon ay bago pa magkaroon ng mundo. Ngayon, ang Diyos ay mayroong layunin at isang natatagong hiwaga. May isang bagay sa isip Niya bago pa man magpasimula ang sanlibutan at ito ay ibinubunyag Niya sa kasalukuyang kapanahunan na kinbubuhayan natin. Kita n’yo? At ito ay mauunawaan ninyo sa ating pagpapatuloy, sa paniwala ko, kung ano ang naganap. Ang dakilang hiwaga ng Diyos… ito’y isang lihim. Itinago Niya ang lihim na ito. Walang sino man ang nakakaalam tungkol sa bagay na ito; maging ang mga Anghel ay hindi nauunawaan ang bagay na ito. Kita n’yo? Hindi Niya ito ipinahayag. Iyan ang dahilan kung bakit sa ilalim ng ikapito nating hiwaga, nung mabuksan ang ikapitong tatak, nagkaroon ng katahimikan (Rev. 8:1). Si Jesus, nung Siya ay nasa ibabaw ng lupa, gusto sana nilang malaman kung kailan Siya darating. Ang sabi Niya, “Ngunit tungkol sa… Maging ang Anak ay hindi nalalaman kung kailan ito magaganap.” (Mat. 24:36; Mga Gawa 1:7). Kita n’yo, ang lahat ng bagay na ito ay nasa pagiingat ng Diyos. ito’y isang lihim. At iyan ang dahilan kung bakit nagkaroon ng katahimikan sa langit sa loob ng kalahating oras. At ang Pitong Kulog ay umugong, at si Juan ay pinigilang isulat ang bagay na ito –ang pagdating ng Panginoon (Apoc. 10:1-4). Iyan ang bagay na hindi pa Niya ipinapahayag, kung paano Siya darating, at kung kailan Siya darating. Mabuti naman na hindi Niya ginawa ang bagay na iyan. Hindi. Bagkus ay pinakita o ipinahayag Niya ito sa pamamagitan ng mga tipo sa Biblia. Samakatuwid, ang kabuuan ng Biblia ay ang kapahayagan ng hiwaga ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo. Ang kabuuan ng Biblia ay isang ekspresyon ng isang hangarin ng Diyos, isang layunin na nais Niyang tuparin sa kabuuan ng Biblia, at ang lahat ng mga gawa ng mga mananampalataya sa Biblia ay nasa tipo at ipinapamalas nito kung ano ang dakilang hangarin ng Diyos. At ngayon sa huling araw na ito ay ipinahayag at ipinakita Niya ang bagay na ito (Apoc. 10:7). At sa tulong ng Diyos, ay masusumpungan natin ito rito: kung ano ang nasa kaisipan ng Diyos sa buong panahon at ngayon ay ipinapahayag Niya. Ang Biblia ay isang Aklat ng hula; ito’y isang makasaysayang Aklat; Ito’y isang Aklat ng pagibig. Ito’y isang Aklat ng mga awit; Ito’y isang Aklat ng Buhay, at sa loob Nito ay matatagpuan mo si Cristo. Siya ay nasa mga propeta; Siya ay nasa mga Awit; Siya ay nasa kasaysayan; at Siya rin ang sinasaysay ng Biblia na darating. Kaya nga Siya ay ang darating at ang nakalipas. Kung gayon ay sino nga ba Siya? Siya ay ang kahapon, ngayon, at maging magpakailan man (Hebreo 13:8). At, kapag nagdagdag ka ng isang bagay rito na hindi nagpapakilala sa Kaniya bilang Siya ring kahapon, ngayon, at magpakailan man, saan ka pa pupunta? Masagwa ang larawang makikita mo. Sapagkat Siya ay ang kasaysayan, at Siya ay ang Propeta; Siya ay ang mga Awit; Siya ay ang lahat lahat. At kung hindi mo magagawa na Siya ang lahat lahat, ano ang magiging hitsura ng iyong larawan? Nakikita ba ninyo ang bagay na ito? Tama. Siya pa rin. Siya ay ang mga propeta; taglay nila Siya; Siya ay nasa mga Awit; Siya ay nasa mga kasaysayan; at Siya ay ang mga bagay na darating, Siya ring kahapon, ngayon at magpakailan man (Hebreo 13:8). Kung ganiyan nga Siya, dapat natin itong sampalatayanan, hindi ba? Kung ganiyan nga Siya, kung gayon ay nararapat lang na Siya ang pinaka-tema ng ating usapan, ng ating mga kaisipan, ng ating mga awitan, ng ating mga lakad; Siya dapat ang pinaka-tema ng ating mga buhay. Kung Siya ang pinaka-tema ng Biblia, at ang Biblia ay nasa kalooban natin, marapat lang na ang maging pinaka-tema ng lahat ng ating mga ginagawa, sinasalita, o iniisip, ay si Cristo. Tama ba ‘yan? Siyanga. Ito ang kaisipan natin, simula nang Siya’y maging Ulo ng lahat sa atin… (Col. 1:16-18). Ganito ang sabi ng mga taga-Colossas. Siya ang Ulo ng lahat ng mga bagay para sa atin dahil Siya ay nilalang para sa atin, dahil tayo ang itinuturing na lahat ng mga bagay. Sasabihin mo, “Paano naman ang mga makasalanan?” Siya ay nilalang upang maging Hukom ng mga makasalanan, kung hindi niya tatanggapin ang bagay na ito. Siya ay ginawang Kaluwalhatian sa mananampalataya na tatanggap sa bagay na ito. Kaya ang bagay na… Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan Niya at para sa Kaniya (Rom. 11:36). Kailangan ang gabi upang maipamalas ang kaluwalhatian ng araw. Kailangan ng isang sisidlan sa ikahihiya upang mahayag ang pagibig at kalinga ng isang sisidlan sa ikapupuri (Rom. 9:14-23). Kailangan ang isang babaeng masama na nagsusuot ng damit na imoral at nagbebenta ng kaniyang puri upang mahayag ang katinuan ng isang marangal na babae. Kita n’yo? Kailangan ng isang butangero at isang magnanakaw upang mahayag ang katapatan ng isang tunay na mananampalataya, ng isang tunay na Cristiano. Kailangan ng isang ipokrito upang maipamalas ng isang mananampalataya, kung sino siya. Kaya ang lahat ng bagay ay nalikha sa pamamagitan Niya. At dahil nilikha Niya ang lahat ng bagay para sa ating lahat (II Cor. 4:15); ang lahat ng bagay ay ginawa sa—sa pamamagitan Niya, at dahil iyan ay totoo, ang ating pagkakakilanlan ay dapat sa Kaniya. Kailangan na ang ating pagkakakilanlan ay sa Kaniya, sapagkat ipinakilala Niya ang Kaniyang Sarili sa atin. Kailangan na ang ating pagkakakilanlan ay sa Kaniya. Paano? Kailangan nating mabuhay para sa Kaniya (Rom. 14:7-8), hindi lamang sa salita. Pansinin, may tatlong luping layunin ang Diyos sa dakilang hiwaga na ito. Ang Diyos, sa dakilang hiwaga na inilihim Niya mula sa pasimula ng sanlibutan, mayroon Siyang tatlong luping layunin tungkol sa bagay na ito. At ngayon, ang nais nating tunguhin ay: Kung ano ba ang tatlong luping layunin na iyan? Kita n’yo? Ngayon, sa paniwala ko sa pamamagitan ng tulong ng Diyos, Siya’y narito, at ipapakita Niya ang bagay na ito sa atin. Nais nating malaman kung ano ba ang tatlong luping layunin na ito. Ang una ay nais ng Diyos na ipahayag ang Sarili Niya sa mga tao. Hindi Niya magagawa ang bagay na ito bilang isang dakilang Diyos na Jehovah na sumasakop sa lahat ng dako, panahon, at eternidad. Hindi Niya ito magagawa. Lubhang napakadakila Niya upang mahayag sa mga tao, labis itong magiging mahiwaga. Paano mangyayari na ang dakilang Persona na hindi nagpasimula, kahit pa nga lumampas ng ng isandaan bilyong at trilyun trilyong taon ng pagikot, at maparoon sa impinit hanggang sa eternidad, ang dakilang Manlilikha pa rin ang nasa lahat ng ito, at Siya ay mananatili… Subalit may isang bagay na nais Niyang gawin, iniibig Niya ang pagiging Ama, sapagkat Siya ay isang Ama. At ang tanging paraan na magagawa Niya upang maipahayag ang bagay na ito ay sa pamamagitan ng pagiging isang anak ng Tao. Iyan ang dahilan na parating sinasabi ni Jesus, “Ang anak ng Tao.” (Mat. 8:20; 18:11). Kita n’yo, hindi nila nalalaman kung ano ang tinutukoy Niya, karamihan sa kanila. Ngunit ngayon ay nauunawaan ninyo ang bagay na ito. Nais Niyang ipahayag ang Sarili Niya. Iyan ang layunin Niya, ang isa tatlong-lupi na dakila Niyang mga layunin, ay ang ipahayag ang Sarili Niya, ipakilala ang Sarili Niya sa mga tao, upang mahayag ang Sarili Niya kay Cristo (Col. 2:9-10). Ikalawa: upang magkaroon Siya ng kadakilaan sa kalipunan ng Kaniyang mga mananampalataya, na siya Niyang Nobya, upang mabuhay Siya sa gitna ng mga tao (Col. 1:18). Ngayon, nagawa sana Niya ang bagay na ito kina Adan at Eva, ngunit pinaghiwalay sila ng kaslanan, at ngayon ay mayroon ng paraan upang maipanumbalik ang bagay na ito. Ay naku. Oh, napakayaman nito sa akin, kahit isipin ko lang ang bagay na ito! Nakikita ba ninyo ang layunin ng Diyos? Ngayon, bakit hindi na lamang Niya hinayaan sina Adan at Eva sa gayong kalagayan? Kung gayon ay hindi sana Niya naipahayag ang Kaniyang Kapuspusan, ang buo Niyang katangian, sapagkat… isa na Siyang Ama noon; totoo ‘yan, subalit Siya’y isa ring Tagapagligtas. Sasabihin mo, “Paano mo nalamang gayon nga?” Siyanga, ‘pagkat may karanasan ako. Kita n’yo, kita n’yo? Siya ay isang Tagapagligtas, at kailangan Niyang ipamalas ang bagay na iyan, at paano Niya ito magagawa? Tanging sa pamamagitan lamang ni Cristo. Paano Siya magiging isang Anak? Sa pamamagitan lamang ni Cristo. Paano Siya magiging isang Manggagamot? Sa pamamagitan lamang ni Cristo. Kita n’yo, ang lahat ng bagay ay hahantong sa isang Persona na si Jesus Cristo. Ay naku. At kapag iniisip ko ang bagay na ito, nakikita ko na nawawala sa eksena ang mga denominasyon, ang lahat ng iba pa ay sadyang napaparam na. kita n’yo? Kapag nakikita ko ang dakilang layunin ng Diyos; na ipinapahayag ang Sarili Niya, at… Una, upang ipahayag ang Sarili Niya kay Cristo, ang buong Kapuspusan ng pagka-Diyos ay nanahanan sa Kaniya (Col. 1;19; I Tim. 3:16), at pagkatapos nito ay maihatid ang buong Kapuspusan ng pagka-Diyos sa isang bayan upang matamo Niya ng kadakilaan, pamamahala, pamumuno… Una, upang ipamalas ng lubusan ang Sarili Niya: ang Diyos na nakay Cristo. Ikalawa, upang magkaroon Siya ng kadakilaan sa pamamagitan ng Kaniyang Iglesia (na siya Niyang Katawan, Nobya) upang… magkaroon Siya ng kadakilaan upang maipamalas Niya ang Kaniyang Sarili sa pamamagitan nila. At ikatlo, upang maipanumbalik ang Kaharian sa tama nitong posisyon na nahulog bunsod ng kasalanan sa pamamagitan ng unang Adan, pabalik kung saan Siya ay kasamang lumalakad ng Kaniyang bayan, nakikipag-usap sa kanila, nakikisama sa kanila (Gen. 3:8). Ngunit ngayon ay nahiwalay sila sa Kaniyang Presensiya at sa lahat ng katangian Niya dahil sa kasalanan at kamatayan. Bago itatag ang patibayan ng sanlibutan ay nais Niyang ipahayag ang lahat ng mga katangian Niya, kung sino Siya… Ang Diyos, ay naipamalas sa pamamagitan ni Jesus Cristo, na Siyang Ama, Anak, at Espiritu Santo, ang kapuspusan ng pagka-Diyos ayon sa laman. Ngayon, ang ganap na Kapuspusan ng pagka-Diyos ayon sa laman ay nananahan sa Kaniyang Iglesia, ang lahat Niyang kadakilaan. Ang lahat ng nasa Diyos, ibinuhos Niya kay Cristo; ang lahat ng nakay Cristo ay ibinuhos sa Iglesia, sa mananampalataya, hindi sa denominasyon. Ngayon, pansinin, muli. Ngayon, ano ang tatlong-luping layunin? Ipahayag ang Sarili Niya kay Jesus Cristo; upang manahanan sa Katawan sa pamamagitan ni Jesus Cristo upang magkaroon Siya ng kadakilaan sa ano? Isauli sa dati ang Eden, ipanumbalik ang nawala. Iyon na lamang ang isang bagay na wala sa puwesto. Ang lahat ng mga bagay Niya ay nasa kaayusan na. At ngayon, ang Cristo na taglay ng Iglesia ay ngayon lamang naipapakilala. Ang buong layunin ng kapahayagang ito ng Diyos ay upang maisauli sa dati si Eva sa tama niyang posisyon kasama ng asawa niyang lalaki, at ang Diyos ang Asawang Lalaki ng Iglesia, at ang Iglesia naman ay ang Nobya Niya. Masdan, si Cristo na nasa inyo rin ang dahilan kung bakit naging sentro Siya ng Buhay ng kapahayagan. Kita n’yo? Ang Buhay ni Cristo na nasa inyo ang dahilan kung bakit Siya ang sentro ng kapahayagan. Si Cristo na nasa Biblia, ang gumagawa upang ang Biblia ay maging kumpletong kapahayagan ni Cristo. Si Cristo na nasa inyo ang gumagawa upang kayo ay maging kumpletong kapahayagan ng isang kabuuan. Nakikita ba ninyo ang gustong gawin ng Diyos? Ano ba ang bagong kapanganakan? Sasabihin mo, “Buweno, Brother Branham, ano nga ba ang bagong kapanganakan?” Ito ay ang personal na kapahayagan ni Jesus Cristo sa iyo. Amen. Kita n’yo? Hindi iyan dahil sa umanib ka sa isang iglesia, nakipag-kamay ka; gumagawa ka ng isang bagay na kakaiba; nagsasaysay ka ng isang credo; nangako ka na ipapamuhay mo ang mabubuting asal; tanging si Cristo lamang, ang Biblia… Siya ay ang Salita na nahayag sa iyo. Kaya ano man ang sabihin sa iyo ng iba, ano man ang mangyari, ito’y si Cristo. Ang pastor, pari, ano man ang mangyari… Ito’y si Cristo na nasa iyo (Col. 1:26-29). Iyan ang kapahayagan kung saan naitatag ang Iglesia. [1] Ngayon, ipinapahayag Niya ang mga bagay na ito dahil nakilala na Niya sila nung una pa at Siya rin naman ang nagtalaga sa kanila upang makita nila ang mga bagay na ito; dahil kung hindi ay hindi nila mauunawaan ang mga bagay na ito. Kahit tignan nila ito ng maigi ay hindi nila makikita ang bagay na ito (Mat. 13:10-12; Ef. 1:4-10). Ilan sa inyo ang nakakita na sa larawang iyon ng isang baka sa kagubatan, kailangan mo itong masdan maigi? Nakita na ba ninyo ito? O dili kaya’y iyong larawan ni Cristo sa gubat, o sa kalawakan, o sa mga ulap? Kita n’yo, ang pintor na iyon ay mahusay na kailangan mong tignan maigi ang larawan upang matukoy mo kung ano talaga ito. Buweno, kapag minsan mo lamang ito minasdan, wala kang ibang makikita. Ngunit habang minamasdan mo ito nang maigi, mayroon kang mababanaag. Ilan na sa inyo ang nakakita sa mga larawang iyon? Buweno, tiyak na nakita na ninyo ito. Buweno, iyan Mismo si Cristo, ang Ebanghelyo, Siya ang mensahe. Kapag nahayag sa iyo ang mensahe sa kapanahunang ito, wala kang ibang makikita kundi si Cristo. Siya lamang. Ang lahat ng bagay ay maglalaho na; magmimistulang pamparami na lamang ang iba pa, dahil minsan nang nahayag sa iyo ang mensahe. Ganiyan sa kapanahunan ni Noe noon. Nung Makita ni Noe at ng grupo niya ang mensahe, wala nang higit na mahalaga pa, nung Makita ng grupo ni Moises ang bagay na ito, wala nang higit na mahalaga pa. nung Makita ito ng grupo ni Juan, wala nang higit na mahalaga pa. nung Makita ito ng grupo ng mga apostol, wala nang higit na mahalaga pa. Nakita ito ng grupo ni Wesley, ng grupo ng mga Pentecostal, wala nang iba pa silang pinahalagahan kundi ang bagay na ito; iniwanan na nila ang iba pang mga bagay. Bakit? Sapagkat sa pamamagitan ng pauna Niyang kaalaman ay naitinalaga Niya na mangyari ang lahat ng bagay na ito. [2] Siya ang pinaka-Tema ng buong Biblia. Kapag binasa mo ang Biblia at hindi mo nakita si Cristo sa bawat talata Nito, balikan mo at basahin Itong muli. Kita n’yo? Kung hindi mo makikita si Cristo sa bawat talata ng Biblia, aba’y basahin mo itong muli, sapagkat may isang bagay kang nalampasan. Ang Biblia ay si Cristo. Siya ay ang Salita. Kapag binasa mo, “Sa pasimula ay lumikha ang Diyos…” Naroon si Cristo. Kita n’yo? Simula sa bahaging iyon hanggang sa “Amen” sa bawat Salita sa Apocalipsis ay nangagpapatotoo tungkol kay Jesus Cristo. [1] Masdan ninyo ang Israel, sa libu libong tao na naroon nung panahong iyon (humigit kumulang apat na milyon)… Mayroon lamang isandaan at dalawampu na nakarinig sa tinig Niya, samantalang nasa apat na milyon ang mga tao roon. Kung ang pag-agaw ay darating ngayon, kahindikhindik ang bagay na ito kung sasabihin ko sa inyo ang iniisip ko na maaring mangyari. Totoo ‘yan. Napakaraming bagay na ang nagsusulputan sa ngayon na ipinangangalandakan ang Cristianismo. Ang totoo ito’y pawang mga pampuno na lamang sa isang hardin na nagtuturo kung saan naroon ang rebulto. Dapat ay ang rebulto ang siyang pagmasdan, dahil si Cristo ang Larawang iyon. Tama. At ang tunay na iglesiang ipinanganak na muli ang isasama Niya. Ang iba sa labas nito ay pampuno na lamang. Tama ‘yan. [3] Ang dakilang lihim ng Diyos sa tuwina ang bumubulag sa karunungan ng sanlibutan (I Cor. 2:6-10). Hindi nila maunawaan ang bagay na ito. Sadyang hindi nila ito maintindihan. Hindi maunawaan ni Satanas ang bagay na ito. Wala isa man sa kanila ang nakakaunawa sa bagay na ito, tanging ang mga predestinado lamang ang nakakaunawa sa bagay na ito, kung paano naging Isa ang Diyos at si Cristo. Sinisikap nila ito na gawing tatlo. Kita n’yo? Iyan talaga ang ginagawa nila. Pansinin. Susunod—ikalawa, ang nahayag na Cristo sa inyo, ang Siyang pagasa ninyo sa kaluwalhatian. Ang dakilang Diyos na nahayag kay Cristo noon, ay ang Cristo na nahayag naman sa inyo ngayon. Masdan. Ang dakilang bagay na datirating lihim ng Diyos, ang dakila at mahiwagang lihim na nasa kaisipan Niya, ay inilagay sa puso ng mananampalataya, na siyang Katawan ni Cristo. Ang dakilang bagay na datirating lihim ng Diyos bago itatag ang patibayan ng sanlibutan ay nahayag na ngayon. Pagisipan ninyo ang bagay na ito, mga kaibigan. Oh, tiyak ako na hindi pa natin maunawaan ang bagy na ito sa ngayon. Buweno, maging ako dati ay hindi rin tama ang naging pananaw ko sa bagay na iyan, kaya’t tiyak ako na ganiyan din kayo. Kita n’yo? Subalit ang dakilang hiwaga ng Diyos, ang hiwaga na taglay ng eternal na Diyos, ay ibinunyag na sa pamamgitan ni Jesus Cristo, at ipinagkaloob Niya sa Kaniyang Iglesia. Ang bagay na nasa kaisipan ng Diyos ay nasa Katawan na ni Cristo ngayon. Nakikipag-niig si Jesus sa Iglesia, sa Kaniyang Nobya, ibinubulong Niya ang mga lihim sa Kaniya. Nalalaman ninyo kung paano kayo nagsasabi ng mga bagay bagay sa inyong asawang babae, kilala ninyo, ang binibining pakakasalan ninyo. Labis ang pagmamahal mo sa kaniya, na nagagawa mong maghayag sa kaniya ng mga lihim, at nilalapitan mo siya, at iniibig ka din niya at lahat na. nauunawaan ba ninyo? Iyan ang ginagawa ni Cristo sa Iglesia. Kita n’yo? Ipinababatid Niya sa Kaniya ang mga lihim—tanging ang mga lihim lamang. Hindi isang haliparot ang paghahayagan Niya; ang Asawa Niya ang tinutukoy ko. Kita n’yo? Tama. Tignan ninyo ang bagay na ito. Taglay nila ang kapahayagan ng lihim na ito na ibinunyag sa kanila sa pamamagitan ng Kaniyang biyaya. Masdan, kapag ang dakilang kapahayagan na ito—kapag ang hiwagang ito ay nahayag na sa inyo, magagawa na ninyong talikuran ang lahat ng bagay sa sanlibutan. [1] Reference: [1] “Christ Is The Mystery Of God Revealed” (63-0728), pg. 16-17, 19-23, 25, 27, 36, 57-59 [2] “Trying To Do God A Service” (65-1127B), par. 135-138 [3] “Uncertain Sound” (62-0714), par. 62 Spiritual Building-Stone No. 200 from the Revealed Word of this hour, compiled by: Gerd Rodewald, Friedenstr. 69, D-75328 Schömberg, Germany biblebelievers.de, Fax: (+49) 72 35 33 06 There´s coming one with a Message that´s straight on the Bible, and quick work will circle the earth. The seeds will go in newspapers, reading material, until every predestinated Seed of God has heard It. [Bro. Branham in „Conduct-Order-Doctrine“, page 724]
Posted on: Tue, 13 Aug 2013 07:41:08 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015