Ang Republikang Popular ng Tsina (PRC) o Pangmadlang Republika ng - TopicsExpress



          

Ang Republikang Popular ng Tsina (PRC) o Pangmadlang Republika ng Tsina[2][3] (Intsik: 中华人民共和国, Zhōnghuá Rénmín Gònghéguó; Ingles/internasyonal: People’s Republic of China[4]; Portuges: República Popular da China[5]; Kastila: República Popular China) ay ang pinakamalaking bansa (ayon sa lawak at populasyon) na matatagpuan sa Asya. Ang Madlang Republika ng Tsina ang ika-3 o ika-4 na pinakamalawak na bansa sa mundo dahil sa sukat nito na umaabot ng 9.6 milyong kilometro parisukat (km2)[6] Ang kahalagan ng Tsina[7][8] sa mundo ngayon ay mapapansin dahil sa kaniang bahaging ginagampanan bilang ikatlong pinakamalaking ekonomiya nominally (o ikalawang pinakamalaki kung babasihan ang purchasing power parity o PPP) at isang permanenteng kasapi ng UN, United Nations Security Council atsaka din miyembro sila ng iba-ibang kapisanan katulad ng WTO, APEC, East Asia Summit, at Shanghai Cooperation Organization. Ang mga pinakamahahalagang lungsod (ayon sa populasyon) ay Shanghai, Beijing, Guangzhou, Shenzhen, Hong Kong at Inner Mongolia. Ang Beijing ang kasalukuyang kabisera ng bansa.
Posted on: Sun, 22 Sep 2013 11:05:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015