Ang Tagapaglikom: na si Bukharie {TRUE NAME} Muhammad ibn Ismail - TopicsExpress



          

Ang Tagapaglikom: na si Bukharie {TRUE NAME} Muhammad ibn Ismail ang pangalan ni Al-Bukharee na isinilang noong 810 C.E. Siya ay tinawag na Bukharee sa kadahilanang siya ay isinilang sa Lungsod ng Bukhaaraa, na ngayon ay bahagi ng Uzbekistan sa Russia. Si Bukharee ay naglakbay sa iba’t ibang lugar ng mga Muslim sa pangongolekta ng mga Hadith at pagkatapos ay binuo niya ang kanyang bantog na koleksiyon ng mga Hadith na tinatawag na Al-Jaami’ al-Musnad as-Saheeh na ngayon ay kilala bilang Saheeh al-Bukharee. Ito ay naglalaman ng 2,602 mga Hadith na pinili niya mula sa ilang libong Hadith na kanyang namemorya. Siya ay namatay sa Samarkand, Uzbekistan sa taong 870 C.E. sa edad na 60 taon. Ang Saheeh al-Bukharee ay itinuturing ng mga Muslim scholars bilang pinaka-awtentibong aklat ng Islam pagkatapos ng Banal na Qur’an. Ito ay naisalin sa English ni Muhammad Muhsin Khan at inilathala ng Islamikong Unibersidad sa Madeenah noong taong 1976
Posted on: Sat, 31 Aug 2013 08:09:52 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015