Ang mga babae ay moody, mamaya sweet sya sayo, mamaya naman halos - TopicsExpress



          

Ang mga babae ay moody, mamaya sweet sya sayo, mamaya naman halos awayin ka na nya. Intindihin mo na lang baka meron sya ngayon o kaya sadyang ganun lang sya. Intindihin mo na lang at lambingin mo. Di naman masama kung magbibigay ka ng kaunting oras para lambingin sya diba? Ang mga babae ay madaldal. Madaldal pagdating sa pagkwento ng lovelife nya. Yung mga bestfriends niya at friends ay alam lahat ng mga ginawa nyo, sa mga sweet lines mo at sa mga oras na nagaaway kayo. Parang naka-report na kagad kay bestfriend. Pero kapag ang babae ay hindi naging madaldal baka sadyang ayaw lang ikwento o sadyang masakit para ikwento. Ang mga babae ay matampuhin. Kaya kung may sasabihin ka sa kanya, isipin mo muna kung masasaktan ba sya sa sasabihin mo o may ibang meaning syang maiintindihan doon. Kapag nagtampo, aba….magsisimula na ang world war III. Ang mga babae ay selosa. Oo, selosa. Na-gets mo ba? Ayaw nya ng may lumalandi sa boyfriend nya. May mga babaeng tahimik lang pag nagseselos pero may iba naman na halos kaladkarin na palayo yung babae sayo. Buti nga nagseselos pa sya eh. Takot syang mawala ka sa kanya o kaya makuha ka ng iba.
Posted on: Wed, 24 Jul 2013 16:03:16 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015