Ang mga babae, demanding talaga. Ang mga lalake, maeffort - TopicsExpress



          

Ang mga babae, demanding talaga. Ang mga lalake, maeffort talaga. (This is social injustice. Sorry guys.) 1. Say what you mean, mean what you say. Panindigan mo ang bawat salitang binitiwan mo dahil ang babae matandain yan. Naaalala niyan ang mga unang pick up lines at pambobolang sinabi mo sa kanya. Kahit simpleng good morning message mo, sinasave nyan. 2. Makiride ka sa mga trip niya. Iparamdam mo sa kanyang masaya kang kasama siya. Kahit na gaano kaweird, kacorny o kahit gaano ka man kapagod, wag mo siyang iiwan mag-isa. Mas romantic pa din kapag magkasama kayong masaya at nagtatawanan kahit sa mga pinakawalang kwentang bagay. 3. Natural sa mga babae ang magulo ang utak. Sweet ngayon, maya-maya may topak na. Pero di ka matitiis niyan, kasi mahal ka niya talaga. Ang gamot sa pag-iinarte ng babae ay panlalambing at pag-intindi ng isang lalaki. 4. Kantahan mo, kahit gaano ka pa kasintunado. Daanin mo sa kanta, wag lang sa looks. Hindi importante kung magmukha kang tanga. Dahil ang isang babae, mas naappreciate ang maeffort na lalake kahit gaano pa siya kafail. 5. Magsend ka ng random but sweet text messages. Bukod sa magugulat at kikiligin siya, paraan din ito para maiparamdam mong naiisip at namimiss mo siya. 6. Meet the parents. Be friends with her friends. Matutong manligaw sa magulang at makitropa sa mga kaibigan. Mas maappreciate ng isang babae kung kinikilala mo hindi lang siya kundi pati ang mga taong bahagi ng buhay niya. Mas mapapatunayan mong sincere ka talaga. 7. Wag gumastos ng malaki para sa kanya. Lalo na kung estudyante ka pa lang. Mahiya ka sa magulang mo. Hindi mo siya kailangang dalahin sa isang mamahaling restaurant, ilibre mo ng kwek kwek o isaw o samahan mo sa isang long walk, masaya na yan. Hindi batayan ng isang masayang relasyon ang pagkakaroon ng magastos na date. Iba pa din yong simple lang pero masaya kayong magkasama. 8. Gasgas na ang teddy bear na may hawak na rose at chocolates. Maging creative pagdating sa suprises. Hindi kinakailangang mamahalin. Pumitas na lang ng gumamela o santan sa labas at magstick ka na lang sa walang kakupas-kupas na “love letter”. Handwritten love letters never go out of style. 9. Maging sentimental ka din. Sentimental ang mga babae. Huwag mahiyang magtake ng pictures niyo na pwede niyong tingnan ng magkasama in the future. Pero syempre photographs may fade but memories don’t. 10. Kapag nagselos ang babae, mahal na mahal na mahal ka niyan. Natural din sa mga babae ang magselos sa lahat ng chicks na nakapaligid sa lalaking mahal niya. Kahit hindi naman talaga chicks. Kapag nagselos yan, intindihin mo dahil ayaw lang niyang mawala ka. At iparamdam mo sa kanyang, sa kanya ka lang talaga. Bigyan mo ng assurance. 11. Ang mga babae sandamakmak man ang magustuhan, iisa lang talaga ang kasya sa puso nyan. Intindihin ang tendency ng mga babae na magfangirl: sa athletes, models, singers o dancers. Appreciative lang talaga masyado. Pero ikaw lang talaga ang nasa puso niyan. Isipin mo na lang na wala namang sinabi yang mga yan sayo. 12. Huwag kang matakot hawakan ang mga kamay niya. Matutong dumamoves. Kung andyan na ang pagkakataon, gawin mo. Dahil habang hawak mo ang mga kamay niya, hawak mo din ang mundo mo. Kaya wag na wag mong bibitawan pa. (ngok) 13. Di ka man gwapo, looks lang yan. Bawi bawi na lang. Hindi mo kailangan ng mapupungay na mata, kissable lips,makinis na kutis o kantahan pa siya ng “Hinahanap- hanap Kita” para lang mahalin ka niya. Hindi ka papasok sa pag aartista. Ang kailangan mo lang: mapatunayan sa kanyang may something ka na hindi ka man malooks o maappeal kagaya ni Daniel Padilla, daig pa niya si Kathryn Bernardo kapag naging kayo na. 14. Huwag matakot magsabi ng “Sorry”. Huwag mong pairalin ang pride mo dahil hindi mo ikayayaman yan. Tao ka lang din kaya tanggapin mo kung may mga pagkakamali ka. Walang masama sa pagsosorry. Patunayan mong tao ka. 15. Magpakatotoo ka lang. Ipakita ang totoo mong personality hayaan mong magustuhan ka niya sa kung sino ka talaga. “If perfect’s what you’re searching for then just stay the same.” Hindi naman kailangan maging perfect e, simple lang: kailangan mo lang maging ikaw. Kahit hindi ka matalino, rich kid, famous, gwapo o macho, basta’t nagpapakatotoo ka di ka dapat mag-alinlangan. 16. Kung talagang mahal mo siya, isantabi mo na ang mga “e kasi..” at “paano kung..” sa vocabulary mo. Hindi ikababawas ng pagkalalaki mo kung sasabihin mong mahal mo siya. Mas masakit ang magmahal at magsisi dahil wala kang ginagawa. Ang tunay na lalaki, hindi basta- basta isinusuko ang mga bagay na alam niyang karapat-dapat ipaglaban. Like and share:-)<3 @ fairy ∞dnoyebdnaytinifnioT
Posted on: Mon, 25 Nov 2013 12:48:59 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015