Ang mga dahilan ng Panibugho Sinabi ni Imam Al-Ghazal na isang - TopicsExpress



          

Ang mga dahilan ng Panibugho Sinabi ni Imam Al-Ghazal na isang dakilang pilosopo ng moralidad, paham at eskolar na ang panibugho ay madalas na sanhi ng mga sumusunod: 1. Poot – ang isang taong may poot sa isang tao o pangkat at hindi ninanais ang anumang kabutihan na makamit o mangyari sa pangkat o taong ito. 2. Hangarin – Nakakasakit o nakakasama sa isang tao na makita na ang iba na nakahihigit o nangunguna sa kanya. 3. Pagmamalaki at Pagmamataas – Kapag ang isang tao ay mapagmalaki at mapagmataas, siya ay labis ang paninibugho kapag makita ang iba na nagunguna sa kanya o nakakahigit sa kanya. 4. Pagkagulat o pagtataka o pagkabigla – Minsan ang isang tao ay magulat o magtaka o mabigla na ang ibang tao any nakahihigit sa kanya. Namamangha siya: ‘Paano siya naging mayaman, naging asensado, naging kilala, atp.?’ 5. Takot – Ang pangambang kapag ang ibang tao ang magkakaroon ng mga kabutihang ito, siya ay mauubusan o mawalan ng pagkakataong mapagkalooban nito sapagka’t ito’y naipagkaloob na sa iba. 6. Ang hangarin ng kapangyarihan at karangalan – Minsan ang isang tao ay nangiging mapanibugho sapagka’t nais niyang maging dakila sa pamamagitan ng pang-aapi o pagmamaliit sa iba. 7. Ang likas na kasamaan at kasakiman ng puso – May ilang tao ang hindi nagnanais na makitang maligaya ang ibang tao. Nais nilang Makita na ang buong mundo nasa dalamhati at kahirapan maliban sa kanilang sarili. Katunayan, ang panibugho ay umuusbong sa pagitan ng taong magkakilala sa isa’t isa. Nangyayari ito sa kamag-anakan, sa pamilya, sa mga taong nasa parehong propesyon at edad. Subali’t ang isang Muslim ay kinakailangang palaging isa-isip na ang paninibugho ay mahigpit na ipinagbabawal sa Islam. Sinabi ng Propetar: “Huwag maging mapanibughoin sa isa’t-isa, huwag layuan ang isa’t isa, huwag kapootan ang isa’t isa, huwag magbanghay laban sa isa’t isa. Maging magkakapatid sa isa’t isa, O mga Alipin ng Allah.” Paano natin daigin ang Paninibugho Upang ating madaig ang paninibugho, una sa lahat, nararapat nating alalahanin na ito’y haram at ito ay kinapopootan ng AllahU. Ang taong mapanibughoin ay may masamang karamdaman at kinakailangan niyang bigyang lunas ang ganitong sakit. Isang gawain na makakatulong upang mapaglabanan ang paninibugho ay kapag iyong maramdaman ang paninibugho sa isang tao, sikaping gumawa ng kabutihan sa kanya lalong-lalo na sa bagay na nagiging sanhi sa iyo ng paninibugho sa kanya. Halimbawa, kung nakakaramdam ka ng panibugho sa iba sa kanyang mabuting karangalan, sikapin mong purihin siya. Kung ang iyong paninibugho ay nagtutulak sa iyo na manakit sa iba o magnais gumawa ng kasamaan, sikaping dagdagan ang inyong ginawang kabutihan, magpakita ng kabaitan, magbigay ng regalo at sikaping pasayahin ang taong ito. Hindi ito madaling gawin, nguni’t gawin ito sa ikalulugod ng AllahU. Maiiwasan mo ang kasalanan at ginawa mong masigla at masaya ang iyong puso, at hahaba ang iyong buhay. Ang mga taong namumuhay ng may paninibugo ay nabubuhay ng may kahirapan at kalungkutan. Madalas nilang sinisira ang kanilang kalusugan at namumuhay ng kahabag-habag. Kung iyong nararamdaman na may isang may paninibugho sa iyo at nagsusumikap na saktan ka, mag-ingat at humingi ng gabay at pagtatanggol mula sa Allah mula sa kasamaan ng mapanibughong tao. Ang Propetar ay madalas itinuturo ang Surah Al-Falaq (113) upang pagtatanggol laban sa paninibugho. Mahusay na basahin itong surah at isunod ang Surah An-Nas (114) bago matulog. Basahin ito sa inyong mga anak at mga mahal sa buhay at hilingin mula sa AllahU ang inyong kaligtasan o katiwasayan mula sa kanila sa bawa’t kasamaan. May isang magandang du’a na itinuro ng Propetar para sa ganito: "A`udho bi-kalimatillah al-tammah, min sharri kulli shaitanin wa hammah wa min kulli `ainin lammah." ”Ako’y nagpapakupkop sa pinakasukdulan na kabutihang salita ng Allah, mula sa kasamaan ng bawa’t demonyo o nilikha at mula sa bawa’t masamang anyo.”
Posted on: Tue, 25 Jun 2013 02:30:32 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015