Ang nasaksihan ko sa apat na sulok ng Senado nuong araw ng pagbaba - TopicsExpress



          

Ang nasaksihan ko sa apat na sulok ng Senado nuong araw ng pagbaba ng hatol ke CJ Corona ay isang di malilimutang karanasan. Salamat sa kaibigan kong si Prof Ting Galing (dating staff/writer ni GMA at CJ Corona), nakakuha ako ng access upang mapagmasdan ang pagukit ng isang mahalagang yugto ng kasaysayan ng ating bansa.Nahatulang guilti ang Punong Mahistrado ng gabing yaon. Doon ay nakita ko ang ilang mga popular na personalidad ng bansa at nasilayan ng malapitan ang mga senador na ang ilan ay sangkot sa Napoles scam. Sa totoo lang, medyo nakakapagod ng subaybayan ang mga tila mala telenobela istoryang nagaganap sa ating gobyerno: me mgsisiwalat ng baho, me aakusahan,me tetestigo,maghaharap sa korte habang ang buong sambayanan ay knykanya sa mga kurukuro at walang humpay ang paggantabay sa bawat sususnod na kabanata. Bandang huli, ang script ay matatapos ng bitin : parang walang nangyari , hanggang sa malimutan na ang lahat. At me bago na namang teleseryeng susulpot....kumita ang producers, talunan ang taongbayan. Kaya sa pagusad ng imbestigasyon ke Napoles,at kung akoy tatanungin sa opinyon sa bagay na to,mas mabuti pa atang hiramin ang paborito nyang sambitin: I INVOKE MY RIGHT AGAINST SELF-INCRIMINATION!
Posted on: Sun, 10 Nov 2013 01:38:39 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015