Ang pagpupuri ay sa AllahU lamang, at ang kapayapaan at mga biyaya - TopicsExpress



          

Ang pagpupuri ay sa AllahU lamang, at ang kapayapaan at mga biyaya ay mapasa kanyang Propeta. Katotohanan, ang Islam ay tinatawag ang sanlibutan na magkaroon ng magandang ugnayan sa bawa’t isa at ang iwasan ang manakit sa iba maging sa mga hayop. Bawa’t matapat na Muslim (babae o lalaki) ay kinakailangan umiwas sa panibugho na isang masamang karamdaman o sakit. Ang landas para sa kaninuman ay maluwang upang umunlad sa mga kabutihan at biyaya hangga’t sa walang panakit na naidudulot sa iba. Ang panibugho ay isang karamdaman sa puso. Marahil ito na ang isa sa pinakamatandang suliranin sa sangkatauhan. May ilang mga eskolar ang nagsabi na ito ay ang unang kasalanan na nagawa ng sangkatauhan. Nang sinabi ng AllahU sa mga anghel na magpatiyukod kay Adam, tumanggi si Iblis, nanibugho siya sa karangalang ibinigay ng AllahU kay Adam. (Si Iblis) ay nagsabi: “Siya ba ay nakikita (Ninyo), na Inyong pinapurihan ng higit sa akin? Kung ako ay (Inyong) bibigyan ng palugit (hayaang ako ay mabuhay) hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay, katotohanang aking sasakmalin at ililigaw ang kanyang mga anak (mga lahi, sa pamamagitan ng paggugumon sa kanila sa kamalian), silang lahat, maliban lamang sa ilan!” (Qur’an, 17:62] At kanyang tinukso si Adam at ang kanyang asawa. Sila’y nagsisi at pinatawad sila ng AllahU, subali’t ng dumating sila sa daigdig ay nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Abrl (habil) at Cain (Qabil). Pinatay ni Cain ang kanyang kapatid dahil sa panibugho. Ang tungkol dito ay ipinahayag ng AllahU sa Qur’an: At iyong dalitin (O Muhammad) sa kanila (mga Hudyo) sa katotohanan ang kasaysayan ng dalawang anak na lalaki ni Adan (Abel at Cain), nang ang bawat isa sa kanila ay maghandog ng alay (sakripisyo) sa Allah. Ito ay tinanggap mula sa isa nguni’t hindi sa isa pa. Ang huli (Cain) ay nagsabi sa una (Abel): “Katiyakang ikaw ay aking papatayin.” Ang una (Abel) ay nagsabi: “Katotohanang ang Allah ay tumatanggap lamang sa Al-Muttaqun (mga matimtiman, matuwid, at mabuting tao).” [Qur’an, 5:27] Ang panigbuho ay tinatawag na hasad sa salitang Arabik at sa Qur’an at sa Sunnah ng Propeta ay napapalood dito ang sapat na gabay upang iligtas tayo mula sa paninibugho at ang mga masasamang dulot nito. Ang panibugho ay ang kinapopootan na makita ang biyaya o kabutihan o sa ibang tao at ninanais mong mawala ang kabutihan o biyayang ito sa iba. Subali’t, kung iyong nakita ang kabutihan o biyaya sa iba, at iyo na ring nais na magkaroon nito sa iyong sarili na walang pagkapoot sa ibang tao o ang pagnanais na mawala ang kabutihan o biyaya sa iba, ito ay hindi matatawag na panibugo sa Islam Ang Islam ay pinapahihintulutan ang paligsahan sa kabutihan. Pinapahintulutan ang tao ay magsumikap na maging maunlad at gawin ang mga bagay-bagay ng buong husay at talino, nguni’t sa paraang walang sama ng loob at panibugho at walang pagnanais ng masama sa iba. Maging ito man ay salapi, kapangyarihan, katanyagan o luho, ang lahat ng makamundong bagay ay may hangganan. Ito ay ang dahilan kung bakit ang tao ay karaniwang mapanibughuin sa mga makamundong bagay. Ang mga espirituwal na bagay ay walang hangganan at sagana. Walang pangamba na kung ang isang tao ay nagtataglay ng espirituwal na bagay ay mawawalan o mababawasan ang iba o ang iba ay hindi magkakaroon sapagka’t pag-aari na ng iba. Kaya’t walang panibugho sa espirituwal na bagay. Bunga nito, nasabi na walang panibugho sa Paraiso.
Posted on: Tue, 25 Jun 2013 02:31:26 +0000

Trending Topics



in-height:30px;"> We hope you guys are ready for this weekend... Because we are!!!
I want people to pay attention to this, especially my New York
CAN I THANK THEM NOW? Patti Connolly 4,831
Last Month Two Weeks And Few Days To Go And We Say Bye Bye To
2. OPTION PACK The derivative Strategy is the safest and the best

Recently Viewed Topics




© 2015