Annie, BAKIT DAW IKAW ANG ULTIMATE FAN NI SARAH GERONIMO? Ive - TopicsExpress



          

Annie, BAKIT DAW IKAW ANG ULTIMATE FAN NI SARAH GERONIMO? Ive been a big fan of Sarah G. since I was grade 5 or grade 6. Tagal na no? Pero di ko napansin na its been 5 years na pala since the day na minahal ko si bebe. Hindi ko nga napansin ee, kasi isang araw gumising nalang ako, binuksan ko ung tv namin and I found myself waiting for Sarah Gs prod on Asap. Simula nun, every sunday hindi na ako mautusan ng parents ko HAHA. Kasi nakadikit na yung mga mata ko sa tv dahil kay Sarah. Sabi nila baliw an daw ako kay Sarah. Adik, at praning kasi parang hindi na raw normal sa isang fan ang pag-collect ng lahat pics ng idol niya HAHA kaya nila nasabi un kasi even ung mga nakakalat na dyaryo na my picture niya sa kalsada kinukuha ko kahit nga yung pinambalot na ng mga kahoy basta may pic. ni Sarah kukunin ko ee (ginawa ko po tlga un nung panahing ginagawa pa ung bahay namin). Even my parents, na wewerduhan na daw skin. Lahat sila sinasabing ako na daw ang taong pinaka adik kay Sarah na nabubuhay sa mundong ibabaw kasi parang lahat daw ng bagay basta tungkol kay sarah alam na alam ko. Kung meron lang daw university na ang mga lessons ay ALL ABOUT SARAH lang, for sure daw ako na ang First Honor !! :D HAHA. gusto ko man i-claim un pero alam kong may mas adik pa sakin!! Davah POPSTERS ?? xDD Its been 5 years na pala, and sa 5 years na un walang araw na hindi ako umiiyak pag hindi ko napapanuod ang kahit isang prod lang ni Sg sa Asap or SGL. Feeling ko nun mawawasak na ang mundo pag hindi ko siya makita sa Tv HAHAHA! Yeah! Alam kong iisipin niyo hindi kapani paniwala, pero yun ako. and When I had become a first year high school, dun ! Dun na ako nag start na mag collect ng DVDs, ALBUMS, MAGAZINES and kahit anung bagay basta may mukha niya! Dun lang kasi ang nagtutong mag ipon at magkaroon ng sariling pera ko. Ayoko kasing mang galing sa parents ko o kahit sa kaning tao ang perang ipambibili ko ng mga yun, gusto ko sariling sikap ko.At sa 5 albums na meron ako, 2 palang ang my pirma niya. and Its been 5 years, sa 5 years na yun, (sad to say) NEVER PA KO NAKAKANUOD NG LIVE CONCERT NI SARAH! Never! pa talaga ! HAHA. Ou medyo kawawa nga ako. Asa lang ako lagi sa mga vids, pics and sa confe. tatawag ako sa mga Popsters na nasa concert and pakikingan ko nalang ung voice ni Sarah live while doing her prod. Hanggang dun lang lagi ako. Kaya nung nalaman ko na my upcoming Concert siya this nov., ginawa ko lahat ng magagawa ko makaipon lang ng pera pang ticket. This past few weeks/months, I didnt buy foods for recess sa school. Nagbabaon lang ako ng lunch para lang may matirang kahit 40 pesos sa baon ko everyday Kung kailangan maglakad ako pauwi ginawa ko wag lang mabawasan pera ko. Thank God, nakakaipo naman but... before every week ends, need ko tlgang maglabas ng pera sa ipon para lang sa mga projects ko. Estudyante rin naman kasi ako. nahihiya na kasi akong himungi sa papa ko.Kasi alam kong sasabihin nila na PAG SA PROJECTS MO WALA KANG PERA PERO PAG DATING KAY SARAH NAGLALABASAN PERA MO. Yan ang line ng Papa ko. Kabisado ko na. 18 days from now at concert na ni Sarah, pero until now kulang parin :( Kaya ako sumali dito sa The Ultimate Fantabulous Experince w/ Sarah G. Hoping to be one of the winners Concert Ticket for Perfect 10 and hopefully, one of the very lucky winners of your grand prizes. Actually po, Kahit wala na po yung free ride on a fabulous Limousine. Yung makanuod lang po ng concert niya Live ok good na po ako. ung sayang mararamdaman ko makita at mapanuod ko lang si Sarah ay 1000000000000x kaysa sa pag sakay ko sa Limousine! :) Sa lahat ng pinagdaanan kong hirap, pagod at gutom masunod lang ang kaadikan ko kay bebe, ni Isa dun walla akong pinag sisihan! Its been a great experience. Masaya ako sa pagiging Adik, baliw, sabik etc. Kay Sarah. Masaya ako sa pagiging Solid Team Sarah, sa pagiging Popster. And as an ULTIMATE FAN OF THE POPSTAR ROYALTY ! -ANNIE JUNIO TANGOG
Posted on: Wed, 30 Oct 2013 10:18:40 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015