Annual Buntis Congress, muling idinaos sa bayan Dipaculao ni Joselito S. Libranda DIPACULAO, Aurora, Nob. 26 (PIA) -- Muling nagsagawa ng taunang âAnnual Buntis Congressâ ang Municipal Health Office ng Dipaculao sa pakikipag-isa na rin ng Shell Philippines, Inc. (Global Fund) at ng Provincial Health Office ng Aurora. Ginawa ang âAnnual Buntis Congressâ sa Don Claro M. Recto Amphitheater sa Dipaculao, Aurora kahapon, ika-25 ng Nobyembre 2013, na dinaluhan ng 87 mga inang nagdadalang-tao mula sa ibaât-ibang barangay ng nasabing bayan. âMaging maingat kayo sa inyong pagbubuntis. Kumain kayo ng masusustansiyang pagkain at iwasan ang mga bawal na pagkain at inumin na makasasama sa inyong dinadalang sanggol sa inyong sinapupunan upang maging malusog ang inyong iluluwal na mga sanggolâ, isa sa mga salitang binitiwan sa kanyang lecture sa mga buntis na ina ni Lucena Quiday, Nutritionist-Dietitian ng Aurora Provincial Health Office. Naging pangunahing tagapagsalita si Dr. Arturo A. Parilla, ang Municipal Health Officer ng Dipaculao MHO. Naging panauhin din sa nasabing okasyon si Dr. Luisito G. Teh, ang Provincial Health Officer II at Sangguniang Bayan for Health Roberto delos Santos. Nagbigay rin ng mensahe si Dipaculao Mayor Reynante A. Tolentino sa pamamagitan ni Vice Mayor Teresita Obillo bilang kanyang kinatawan. (JSL/PIA-3)
Posted on: Tue, 26 Nov 2013 02:22:45 +0000
Trending Topics
Recently Viewed Topics
© 2015