Ano ang FishR? Ang FishR o National Program for Municipal - TopicsExpress



          

Ano ang FishR? Ang FishR o National Program for Municipal Registration ay isang pambangsang programa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na naglalayong padaliin, mapagbuti at buuin ang municipal fisherfolk registration sa buong bansa alinsunod sa kautusang nasasaad sa ilalim ng Fisheries Code ng 1998. Layon ng Programa 1.Bumuo at magtaguyod ng simpleng sistema sistema sa pagpapatala ng mga municipal fisherfolk sa buong bansa; 2. Maglipat ng datos mula sa RSBSA upang itugma sa kasalukuyang FRS; 3.Mangalap ng suporta sa lahat ng munisipyo at lungsod na may baybayin, lawa, at iba pang kahalintulad na angyong –tubig upang pagtugmain ang kani-kanilang mga sistemang ginagamit sa pagparehistro sa kasalukuyan at iayon ang mga ito sa pinasimpleng sistema ng FishR. 3. Bumuo ng isang sistema para sa mga LGU upang regular na mai-update ang mga datos sa FRS. Bakit kailangan magpatala o magparehistro? Ang impormasyon na makakalap mula sa pagpapatala ng mga mangingisda ay sadyang malaking tulong sa mga mangingisda ay sadyang malaking tulong sa pagpatupad ng mga nauukol na programa upang makatulong sa mga local na pamahalaan sa pagbuo, pangangasiwa, pamamalakad at pangangalaga sa yamang-pangisdaan; at sa pagtatag ng isang Komprehensibong Pampangisdaan. Sino-sino ang dapat magpatala? 1. Municipal fisherfolk Yaong mga taong direkta o hindi derektang nangingisda o nakatuon sa anumang gawaing may kinalaman sa pangingisda,na nakatuon sa panghuhuli,pag-aalaga,pagpoproseso,pagbebenta at pagbibiyahe ng isda o anumang produktong pang tubig. 2. Tripulante Ang tripulante ng isang bangkang pang-komersyal maliban sa mga lisensiyado at awtorisadong patron. 3. Fishworker Ang fishworker ay isang regular o hindi regular na empleyado sa komersyal na pangingisda at kaugnay na mga industriya. 4. Fishery Operators Ay isang may-ari at nagbibigay-daan o pamamaraan tulad ng lupa, labor, capital, fishing gears at vessels upang maisagawa ang mga gawaing pangingisda. Ano ang kailangan para sa pagpaparehistro? 1. Magtungo sa Colgante Barangay Hall tuwing Mierkules at Biernes alas 9 hanggang alas 11 ng umaga. FYI. Megpadala na kami pung sulat bawat sitio.
Posted on: Wed, 11 Sep 2013 03:50:32 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015