Ano ang magagandang naidudulot ng pagiging BROKEN HEARTED ng mga - TopicsExpress



          

Ano ang magagandang naidudulot ng pagiging BROKEN HEARTED ng mga taong galing sa break-up? •Weight Loss – dahil nga sa pagiging EMO niyo after the breakup, medyo down ang server ng katawan niyo kaya walang ganang kumain, puyat kakaiyak, lutang most of the time kaya nagdudulot ng weight loss. In somecases, baliktad naman, kain naman sila ng kain, kaya tumataba sila. •Blooming – dahil rin sa bitterness, nagpapaganda o nagpapagwapo yung mga taong galing sa breakup para magmukha silang ok. (Ayaw kasi nilang magmukhang loser. Tapang tapangan ba ang peg.) •Inspirational Speaker – yung magugulat ka na lang, magsasalita ka ng quotes tungkol sa love. Mga realizations ba. Tapos matutuwa ka at itatype mo sa cellphone mo para ipang-STATUS sa facebook o sa twitter. •You can do whatever you want. Yung hindi ka na magpapaalam pa sa syota mo kung pwede bang sumama, kung pwedeng pumunta, kung pwedeng gawin ito, o iyan. Daig pa ang magulang kung makapagbawal! •Nakaka-meet ka na ng maraming tao na hindi mag-aalala kung may magseselos ba. •Nagiging matatag ka. Nagiging maingat ka na sa mga desisyong gagawin mo. Mas nagiging matalino ka na. •More time sa Barkada. Dahil nga wala na kayo ng syota mo, mas marerealize mo ang existence ng mga tunay na nagmamahal sayo.Mga taong supportive. Mga taong nandiyan sayo sa lahat ng oras (pati nga sa mga oras na hindi mo sila kailangan, nandiyan pa rin sila.) Marami pang mga advantages ang makikita mo sa pagkakataong ito. Maikli lang ang buhay. Kapag nadapa ka, pahinga ka ng sandali tapos tayo na. Hindi hihinto para sayo ang mundo para hintayin kang bumangon. Tuloy ang ikot ng buhay ng tao, kaya go lang! Life is too short. Smile often. Live More!!! ♥=cLeWeNcE=♥
Posted on: Sat, 22 Jun 2013 07:17:47 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015