Ano ka ba? Dito sa Facebook Panay ang tirada mo Makabayan ka sabi - TopicsExpress



          

Ano ka ba? Dito sa Facebook Panay ang tirada mo Makabayan ka sabi mo Pero ano ka? Ang galing mong mag-komentaryo Tungkol sa mga kabalbalan ng bayan Gusto ko nang maniwala sa iyo Pero bakit di ka magpakilala? Nakatago ka sa maskara O dili kaya ay sa alyas na ibang pangalan… Panay ang sigaw mo na lumaban tayo Pero nasaan ka? Nasa ibang bansa ka At ipinagpalit mo na ang citizenship mo. May karapatan ka ba Na makipag-laban sa sariling lupain ng Pilipinas? Panay ang birada mo laban sa Amerikano E bakit balik ka ng balik sa kanilang embahada Upang makakamit ng US visa? Kahit ilang beses ka nang tinanggihan Nagpupumilit ka pa rin. Panindigan mo naman ang sinasabi mo Na mas mahal mo ang sariling lupa. Maraming magagaling na Pilipino Bakit ka naghahanp ng puti? Kaya may tinatawag na taong peke Plastik… Ikaw ba ito?
Posted on: Thu, 04 Jul 2013 00:23:02 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015