Ano’ng sasabihin mo kay Hesus pag nakita mo siya? (Juliet de - TopicsExpress



          

Ano’ng sasabihin mo kay Hesus pag nakita mo siya? (Juliet de Loza-Cudia) “Ano’ng sasabihin mo kay Hesus pag nakita mo siya?” Ito ang itinanong ng biktimang si Cresencio Pancho, 26, janitor ng Manila Bulletin at taga-660 Cabildo St., Intramuros, Maynila bago natagpuang nakabigti ng kinakasamang si Sherie Nuñez kahapon ng alas-5:50 ng umaga. Sa imbestigasyon ni SPO1 Charles John Duran ng Manila Police District-homicide section, umuwing lasing ang biktima dakong alas-2:30 ng madaling-araw. “Tinanong ko siya (Pancho) kung ano’ng problema niya, ang sagot niya lang, ‘Wala ito’,” ayon kay Nuñez. “Ang sumunod niyang tanong, ano raw ang gagawin ko kapag nakita ko ang Panginoon. Hindi ko na siya maintindihan kaya sinagot ko na lang siya ng ‘Secret!’” dagdag pa ni Nunez. Doon na umano sila nagtalo at para ‘di lumala ay nanahimik na lang ang ginang at natulog. Nang magising at magpunta sa banyo ay natagpuan na niyang nakabigti ang biktima gamit ang nylon cord. Inaalam pa ng pulisya kung ano ang tunay na motibo sa pagpapatiwakal ng biktima. abante.ph/issue/aug2313/crimes01.htm
Posted on: Fri, 23 Aug 2013 18:00:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015