Apat ang kumpirmadong patay kasunod ng magnitude 7.2 na lindol na tumama sa Bohol, Martes ng umaga. Ayon sa Office of Civil Defense (OCD) Region 7, nasawi ang apat matapos mabagsakan ng gumuhong bahagi ng Pasil Fish Port sa Cebu City. Una nang naitala ang magnitude 7.2 na lindol sa layong 2 kilometro ng bayan ng Carmen. Naramdaman ang pagyanig sa ibat ibang bahagi ng Central Visayas at Mindanao. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may inaasahang pinsala at aftershocks sa ganito kalakas na lindol na itinuturing na major earthquake. Report from Dexter Ganibe, Radyo Patrol 45 News For Bohol And Cebu :(
Posted on: Tue, 15 Oct 2013 02:57:19 +0000