Atty Marlon P. Valderama ANG PAGGAMIT NG PICTURE NG IBANG TAO NG - TopicsExpress



          

Atty Marlon P. Valderama ANG PAGGAMIT NG PICTURE NG IBANG TAO NG WALANG PAALAM O CONSENT UPANG SIRAAN SIYA O PAKIALAMAN ANG BUHAY NIYA O PAKIKIALAM SA RELASYON NG ISANG PAMILYA KASAMA NA RITO ANG MGA NASABING GAWAIN SA TWITTER, FACEBOOK AT IBA PANG SOCIAL NETWORKING SITES AY PINAGBABAWAL NG BATAS AT PWEDENG KASUHAN NG CRIMINAL CASE NA COPYRIGHT INFRINGEMENT AT LIBEL NA MAY PARUSANG KULONG AT PAGBAYARIN NG DANYOS O DAMAGES SA DINULOT NITONG EPEKTO SA PAMILYA. Ang daming nagtatanong sa E-Lawyers Online kung ano daw ba ang kaparusahan sa isang tao na kumuha ng picture nila sa Facebook ng walang paalam sa may-ari upang siraan siya o kaya ay pakialaman ang kanyang relasyon sa kanyang pamilya. Ganito ang tanong nila: God bless po attorney, laking epekto po sa aming pamilya ang ginawa ng nakaaway ko dahil kinuha niya ang picture ng mister ko at nagpost siya sa Facebook gamit ito at siniraan kami. Hiyang hiya kami at muntik na kaming maghiwalay ng mister ko gawa dito. Pwede ko bang idemanda at ipakulong sila? Ang picture o video ng isang tao na inilagay sa Facebook ay isang intellectual property ng tao na gumawa nito. Ayon sa Section 172.1 and 172.2 ng Republic Act No. 8293 otherwise known as Intellectual Property Code of the Philippines, literary and artistic works, hereinafter referred to as works, are original intellectual creations in the literary and artistic domain protected from the moment of their creation. Works are protected by the sole fact of their creation, irrespective of their mode or form of expression, as well as of their content, quality and purpose. Ibig sabihin nito, mula sa simula ng pagkakagawa ng iyong work katulad ng poem, article, song o anu pa man na literary or artistic work, ito ay protektado na ng batas in favor sa gumawa nito. Kung kaya ang sinumang tao ay walang karapatan na kopyahin o gamitin ang picture ng isang tao na walang paalam o pagpayag nito. Ang tawag sa paggamit o pagkopya ng picture ng isang tao na walang permiso niya ay tinatawag na copyright infringement. Merong civil at criminal penalties sa infringement ng copyright. Nasa Section 217.1 ng R.A. 8293 ay nagsasabi na any person infringing any right secured by provisions of Part IV of this Act or aiding or abetting such infringement shall be guilty of a crime punishable by: Imprisonment of 1-3 years plus fine of P50,000-P150,000 for the first offense, then 3-6 years and fine of P150,000-P500,000.00 for the second offense, then 6-9 years and fine of P500,000.00-P1,500,000 for the third and subsequent offenses. Kung ang picture ay ginamit sa paninirang puri ng nasabing tao, pwede rin siya sampahan ng criminal case na Libel. Ayon sa Revised Penal Code, Article 353 ang Libel ay isang isinapubliko at malisyosong pagbibintang ng isang krimen, bisyo o depekto o isang aksiyon o hindi pag-aksiyon ng isang tao, kundisyon, status o circumstances kung saan ito ay nadishonor, pagkapahiya at paghamak ng isang tao o korporasyon. Ang libel ay pwedeng macommitt by means of writing, printing, lithography, engraving, radio, phonograph, painting, theatrical exhibition, cinematographic exhibition, or any similar means, shall be punished by prision correccional in its minimum and medium periods or a fine ranging from 200 to 6,000 pesos, or both, in addition to the civil action which may be brought by the offended party. Kung ang post o twit ay ginamit upang pakialaman ang buhay pamilya o relasyon sa pamilya ng may-ari ng picture, pwede rin siya pagbayarin ng damages o danyos. Nasa Article 26 ng New Civil Code on Human Relations ay nagsasabi na ang lahat ng tao ay dapat irespeto ang dignidad, personalidad, privacy o pagsasarili at kapanatagan ng pag-iisip o peace of mind ng kanyang kapit-bahay at ng ibang tao. Ang mga sumusunod at katulad na gawain na hindi matatawag na krimen pero pwedeng panggalingan ng karapatan upang magsampa ng kaso at pagbayarin ng danyos at iba pang pagbabawal ay: (1) Pagsilip (Prying) sa privacy ng katabing bahay o tirahan: (2) Pakikialam (Meddling) o pagdisturbo (disturbing) ang pribadong buhay o family relation of another; (3) Pangiintriga (Intriguing) upang layuan ang isang tao ng kanyang mga kaibigan; (4) Pangbubwisit (Vexing) o panghahamak/pangaalipusta (humiliating) ng isang tao dahil sa kanyang religious beliefs, estado sa buhay, lugar ng kapanganakan, physical defect, or other personal condition. Kung gusto nyo magtanong ukol sa batas ng copyright infringement, libel at Human Relations at pagkuha ng danyos dahilan sa pagviolate nito, register at my website at e-lawyersonline. Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link facebook/E.Lawyers.Online. All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated. E-Lawyers Online: Home e-lawyersonline ANG KASAL AY WALANG EXPIRATION PERIOD AT WALANG BATAS SA PILIPINAS O SA FAMILY CODE NA NAWAWALA ANG BISA NG KASAL SA TAGAL NG PAGHIHIWALAY NG MAG-ASAWA........
Posted on: Sun, 03 Nov 2013 09:29:12 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015