Ayaw na umanong patulan ng kampo ni 2013 Miss World Megan Young - TopicsExpress



          

Ayaw na umanong patulan ng kampo ni 2013 Miss World Megan Young ang mga bumabatikos sa panalo ng Filipina beauty queen. Sinabi ni Miss World Philippines national director Cory Quirino na ayaw na nitong pag-aksayahan pa ng oras ang mga online bashers ni Young. Dagdag pa ni Quirino, patawarin na lamang ang mga nanglalait at bumabato ng masasamang komento sa actress-beauty queen. Ginawa ni Quirino ang pahayag matapos na kumalat ang balitang binawian ng korona si Young. Nagsimula ang usap-usapan matapos na ipinost ng Miss Bulgaria Organisation sa official Facebook pages nito na na-dethrone ang Pinay beauty queen. Natanggal naman bilang assistant teacher sa Singapore ang Singaporean-Indian na si Devina DeVida matapos sabihin sa kaniyang Facebook post na malaking kalokohan ang panalo ni Young dahil ang mga Pinay ay para lang umano magimg maids. Una nang sinabi ni Quirino na karma ang nangyaring ito kay DeVida. Si Young ay nakatakdang dumating sa bansa sa October 11 kung saan isang engrandeng salubong ang inihahahanda para sa kauna-unahang Filipina na nagbigay ng Miss World title sa Pilipinas. Read 215 times - See more at: bomboradyo/news/entertainment/item/25707-kampo-ni-megan-young-ayaw-na-patulan-ang-bashers-sa-kaniyang-ms-world-win#sthash.PcMqvD1I.dpuf
Posted on: Sat, 05 Oct 2013 17:03:55 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015