Ayos ang official statement. Una sa lahat, ang galing hindi man - TopicsExpress



          

Ayos ang official statement. Una sa lahat, ang galing hindi man lang nagapologize talaga sa FlipTop (basahin niyo ng mabuti). Pangalawa, dapat talaga humingi ng paumanhin sa Fliptop DAHIL: HINDI automated yung pagclaim ng videos tulad ng pagmamalinis nila. Ano yan, nagiisip magisa yung computer? Wala ka nang kailangan pindutin umupo ka lang sa harapan ng computer mo matik na niyang aagawin ang FlipTop videos? May ini-input na algorithm sa Content ID feature (maliban sa sariling content talaga) na GAWA PARIN NG TAO. Higit isang taon nang nagc-claim ng videos, ilang beses na kayo sinabihan na tumigil, PATI SARILING ARTISTS NIYO PAULIT ULIT NANG SINABI NA WAG GALAWIN YUNG VIDEOS NG FLIPTOP TAPOS AUTOMATED PARIN AT HINDI NIYO PARIN BINIBITAWAN??? Higit isang taon nang umaagaw pero isang gabing ginawang publiko yung kagaguhan, kayang kaya rin naman bitawan agad? Siguro automated din yung pagbitaw ng claims no? Galing talaga. Ayun, dahil nabitawan na lahat ng videos, maibabalik na namin yung mga private videos, at siyempre yung upload nung miyerkules pa dapat. youtu.be/3EpABZlJ444
Posted on: Fri, 12 Jul 2013 04:48:33 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015