BALASAHAN sa mga kawani ng Koronadal City Government, - TopicsExpress



          

BALASAHAN sa mga kawani ng Koronadal City Government, IPAPATUPAD. Kinumpirma ni Koronadal City Mayor Peter Miguel ang nakatakdang pagpapatupad nito ng balasahan sa mga kawani ng Koronadal City government ngayong buwan ng Agosto. Ayon pa sa alkalde kabilang sa mga maapektuhan ng naturang re-organization ang mga department heads, assistants at plantilla personnel ng city hall. Kinumpirma din nito na kung merong mga kawani ng city government na ma-pro promote sa gagawing revamp, meron din naman aniya sa kanila ang maaring ma-demote. Binigyan diin din ni Miguel na alam na nito ang kasanayan o qualification ng bawat department head ng city hall at kung saang departamento o posisyon mas mangkop na magtrabaho ang mga ito, sa loob ng tatlong taong nitong panunungkulan bilang pinunong ehekotibo. Nilinaw din ng alkalde na hindi nito naipatupad ang naunang plano na pagbalik sana kay Dr. Ma.Hazel Mejala bilang City Health Officer ng Koronadal, dahil nais aniya niya itong isabay na lamang sa ipatutupad na balasahan sa city hall. Ito ang naging tugon ng alkalde kaugnay naman sa indirect contempt case na inihain sa kanya ng Civil Service Commission o CSC dahil umano sa kabiguan nitong pagsunod sa naging kautusan ng ahensya na ibalik sa pwesto ang naturang city health officer. Matatandaan na si Mejala ay inilipat noon ni dating Mayor Fernando Miguel sa Barangay Topland District Health Center at noong 2010 siya ay inilipat naman sa Saravia Health Center ng kasalukyang alkalde ng lungsod, na naging dahilan naman ng pagdulog nito sa Civil Service Commission. NDBC Network
Posted on: Thu, 08 Aug 2013 00:31:04 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015