BALITANG ABROAD 4 Pinoy seamen ikinulong sa - TopicsExpress



          

BALITANG ABROAD 4 Pinoy seamen ikinulong sa Argentina (BTaguinod) Nagpasaklolo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga kaanak ng apatnaFilipinoseamen nanakakulongngayon sa Argentina dahil sa alegasyong itinapon ng mga ito sa dagat ang mga stow-away mula sa Congo. Ayon kay Angkla partylist Rep. Jess Manalo, naiipit sa kaso sa Argentina ang seamen na sina Stephen Nalumen, Harvey Baladjay, Ryan Lagumbay at Vicente Siguan, na magkakasamang nagtatrabaho sa RM Power Ship. Nabatid na inaresto ang apat noong Agosto 3, 2013 matapos akusahan na itinapon ng mga ito sa dagat ang mga Congo national na sumakay sa kanilang barko patungong Argentina. Ang mga Congo national ay karaniwang sumasampa umano sa mga barko patungong Argentina at iba pang bansa upang maghanap ng bagong kapalaran at iwasan ang kahirapan sa kanilang bansa. Mariinumanongiti­nanggi ng mga nabanggit na Pinoy seamen ang alegasyon subalit itinuro umano sila ng kasamahang Pinoy na si Marlon Estope mataposumanonggipitin ang huli ng Argentina ­authorities. abante.ph/issue/sep2013/abroad01.htm
Posted on: Fri, 20 Sep 2013 00:30:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015