BALITANG ABROAD ‘No pork, street protest’ ikinasa ng OFW sa - TopicsExpress



          

BALITANG ABROAD ‘No pork, street protest’ ikinasa ng OFW sa HK (Aries Cano) Kasabay ng sama-samang day-off bukas, (Linggo) ng libu-libong mga Pinoy workers na nakabase sa Hong Kong ay maglulunsad ng protesta na tinaguriang ‘no pork, street protest’ ang mga OFWs na miyembro ng iba’t ibang organisas­yon para manawagan sa abolisyon ng pork barrel sa gobyernong Aquino. Kabilang sa mga organisasyong lalahok ay ang United Filipinos in Hong Kong (UNIFIL-MIGRANTE-HK), BAYAN-HK, Gabriela-HK at ang Promotion of Church People’s Response (PCPR-HK). “We will hold the ‘No pork! Street picnic protest’ to call for the abolition of the pork barrel system inclu­ding Aquino’s investigation and prosecution of corrupt officials, and re-channeling the pork allocation for Aquino, the Senate and the Lower House to direct social services,” ayon sa ipinalabas na statement ng magpoprotestang grupo ng mga OFWs sa HK. >> #scapPorkBarrel OFW Around The World Tambayan abante.ph/issue/aug2413/abroad02.htm#.UhkNvBufgR4
Posted on: Sat, 24 Aug 2013 19:49:23 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015