BALITANG ABROAD OFWs inalerto sa hidden charges sa - TopicsExpress



          

BALITANG ABROAD OFWs inalerto sa hidden charges sa remittance (Aries Cano) Pinag-iingat ang mga overseas Filipino wor kers (OFWs) sa United Arab Emirates (UAE) sa pagpapadala ng pera sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas na maging mabusisi dahil sa mga hidden fees na ipinapataw dahilan para lumiit ang ipadadalang remittance. Sa ulat ng local press sa UAE, ilan umanong remittance service ang nagpapataw ng halos 40 porsiyento bilang transaction charge. Ayon sa isang remittance service, kadalasan umano ay hindi napapansin ng mga nagpapadalang OFWs ang nasabing charge dahil hinahati ito sa dalawa, “Fees charged in dirham and back-end fees charges in pesos in the Philippines,” ang sistema umanong ipinaiiral ng ilang remittance service sa UAE. Sa ilalim umano ng nasabing sistema ang nagpapadalang OFW ay sisingiling Dh15 sa bawat transaksyon sa UAE pero sa sandaling makarating sa mga kaanak ang remittance ay kinakaltasan pa ito ng karagdagang Dh10 .
Posted on: Tue, 27 Aug 2013 21:20:44 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015