BALITANG ABROAD: Pekeng travel documents inilalako sa distressed - TopicsExpress



          

BALITANG ABROAD: Pekeng travel documents inilalako sa distressed OFWs Iimbestigahan ng Philippine Embassy sa United A­rab Emirates (UAE) ang ibinulgar na impormasyon ng isang Filipino migrant rights group hinggil sa bentahan ng mga pekeng papeles. Sa ulat, mahal na ibinibenta ang mga travel document. Sinabi ni Ambassador Grace Relucio Princesa, na walang kinalaman ang mga staff ng embahada sa pagtanggap ng suhol kapalit ng mga blangkong dokumento. Idinagdag ng opisyal na handa siyang makipagtulu­ngan sa grupong Migrante-UAE upang maimbestigahan at malaman kung orihinal o authentic ang mga affidavit of support documents (AoS) na inoobliga ng Bureau of Immigration (BI) sa Pilipinas na bitbitin ng mga pamilya na magtutungo sa host countries. Bubuo aniya ang embahada ng isang team na makiki­pag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Tehran na may consular jurisdiction naman sa Kish Island upang mabigyang linaw ang impormasyon ng Migrante na libu-libong Filipino na nasa Kish Island ang naghihintay ng visa. Sinabi naman ni Nhel Morona, UAE Coordinator ng Migrante na mayroon silang ebidensya na tumatanggap ng cash ang staff ng embahada kapalit ng mga blank affidavit. ↳♠♣ charm ♠♣↲
Posted on: Sun, 22 Sep 2013 20:19:03 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015