BALITANG ABROAD Pinay nasawi sa Syria (Armida Rico) Kinumpirma - TopicsExpress



          

BALITANG ABROAD Pinay nasawi sa Syria (Armida Rico) Kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang 29-anyos na Pinay ang namatay makaraang mag-collapse habang nasa kanyang trabaho sa bansang Syria. Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, natural death ang sanhi ng pagkamatay ng Pinay na sinasabing nag-collapse habang itoy ay nagtatrabaho sa Allepo, Syria noong Setyembre 7. Agad namang naisugod sa malapit na pagamutan ang nasabing Pinay sa nasabing lugar subalit hindi na ito umabot nang buhay. Hindi rin inihayag ni Hernandez ang sanhi ng ikinamatay ng Pinay dahil sa wala naman anilang alam ang kanyang mga katrabaho na may sakit ang nasabing OFW. Tumanggi namang pangalanan ng DFA ang nasabing Pinay hangga’t hindi pa ito naipapaalam sa kanyang mga kaanak na narito sa Pilipinas. “Kailangang ipaalam muna natin sa mga kaanak nito bago ihayag ang pangalan ng Pinay dahil ito ay hindi naman namatay sa nagaganap na kaguluhan sa Syria,” ani Hernandez. abante.ph/issue/sep1113/abroad02.htm
Posted on: Tue, 10 Sep 2013 16:57:49 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015