BALITANG CABAGAN. TULAK NA TAGA CASIBARAG TIMBOG SA SHABU BUST - - TopicsExpress



          

BALITANG CABAGAN. TULAK NA TAGA CASIBARAG TIMBOG SA SHABU BUST - ni : Raymund Catindig TUGUEGARAO CITY- Timbog ang dalawang drug dealers sa pagbebenta ng shabu sa dalawang magkakahiwalay na insidente sa sementeryo ng Cabagan at palengke ng Ilagan city na isinagawa ng Pulisya kamakalawa. Kinilala ni Isabela Police Spokesman Supt. Narciso Paragas ang mga naaresto na sina Regimen Bautista ng Brgy. Casibarag, Cabagan at si Ignacia Egmilan ng Brgy. Ballacong sa nasabing lungsod. Naposasan agad ng mga otoridad si Bautista matapos iabot ang isa plastic sachet ng shabu at tanggapin mula sa Police poseur-buyee ang P1,500 marked money. Ayon kay Paragas, nakasamsam pa ng isang plastic sachet ng shabu ang mga Pulis sa bulsa ng suspect bago ito isinilid sa kanyang karsel sa himpilan ng Pulisya. Samantala, nasamsam naman kay Egmilan ang isang heat seat plastic sachet ng shabu at ang P1,000 marked money na iniabot sa kanya ng poseur buyer sa buy bust operation ng Pulisya sa palengke ng Ilagan city sa Brgy. Baligatan. (C) Raymund Catindig Cabagan Square Park
Posted on: Sat, 03 Aug 2013 01:16:47 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015