BALITANG OFW source:abante tonite Pinay DH sa Singapore, - TopicsExpress



          

BALITANG OFW source:abante tonite Pinay DH sa Singapore, binuhusan ng mantika, hinubuan ng amo" Nahaharap sa patung-patong na kaso ng pang-aabuso sa dalawang kasambahay na kinabibilangan ng isang Pinay ang isang 27-anyos na property agent sa Singapore. Sa ulat, inaakusahan si Wong Pui Kwan, ng pana­nakit sa dalawa nitong maid, gayundin ang pang-iinsulto sa mga ito. Sinampal, binaston at binuhusan diumano ng mantika ang buhok ng Pinay na domestic helper (DH). Bukod dito, pinalo rin ng kawali ang ulo nito na nag-ugat para sampahan ito ng kaso. “Wong is also accused of insulting the same 28-year-old Filipino maid by pulling down her shorts and underwear,” batay sa report ng local press. Samantalang sinampal at tinadyakan naman ang isa pa nitong maid na hindi na tinukoy ang nationality. “For acting rashly and endangering the maids’ life, Wong could be jailed up to one year and fined S$5,000,” base pa sa ulat. sandy
Posted on: Mon, 08 Jul 2013 12:55:14 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015