BALITANG PINOY ABROAD; ♣aqua♣ - TopicsExpress



          

BALITANG PINOY ABROAD; ♣aqua♣ https://facebook/dear.heart.lyn?ref=stream PINOY NASINDIKATO SA 7-11 STORES SA US.. Nakikipag-ugna­yan na ngayon ang Philippine Embassy sa Washing­ton D.C. at Consulate General sa New York at sa United States authorities kaugnay sa imbestigasyon sa napaulat na exploitation sa mga undo­cumented Filipino workers sa iba’t ibang sangay ng 7-11 convenience stores sa New York at Virginia. Kaugnay nito, kinontak na nina Labor Attaché Luzviminda Padilla at Consul General Mario de Leon ang Department of Homeland Security, Fe­deral Bureau of Investigation, Nassau County District Attorney’s Office at Eastern District Court of New York matapos ipag-utos ni Ambassador Jose L. Cuisia, Jr. na alamin ang status ng kaso. “We also want to check the condition of the Filipino nationals involved in order to determine the kind of assistance that could be extended to them,” paha­yag ni Ambassador Cuisia. Siniguro ni Ambassador Cuisia na pagkakalooban ng consular at legal assistance ang mga Pinoy kabilang na si Ramon Nanas, 49, ng New York na kasama sa siyam na isinasangkot sa kaso. Sa report, nag-empleyo umano ang 7-11 stores ng mga undocumented Pinoy, gamit ang Social Security numbers ng ibang tao sa Amerika. Ang pag-eempleyo ay ginawa ng siyam na katao, kabilang si Nanas. Samantalang ang nakaw na ‘identity’ na ipinagagamit sa mga Pinoy ay siya namang isinusumite sa payroll ng 7-11. Sa araw ng sweldo ay kinakamkam umano ng grupo ang ma­laking bahagi ng kita ng mga Pinoy. Karamihan sa siyam na sinasabing responsable sa modus ay naaresto na ng Federal agents at sinampahan na ng kaso. Binawi na rin ang prangkisa ng 14 franchise stores ng 7-11 na sangkot sa reklamo. journal
Posted on: Wed, 19 Jun 2013 22:49:25 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015