BALITANG PINOY: NDRRMC: 10.3 milyong katao, apektado kay - TopicsExpress



          

BALITANG PINOY: NDRRMC: 10.3 milyong katao, apektado kay Yolanda; 1,598, nawawala pa November 18, 2013 9:21am Patuloy na tumataas ang bilang ng mga taong naapektuhan ni super typhoon Yolanda (Haiyan) dalawang linggo mula nang tumama ito sa Visayas at silang bahagi ng southern Luzon, inihayag ng National Disaster Risk Reduction Management Council nitong Lunes. Sa 6 a.m. nitong update, sinabi ng NDRRMC na umaabot na sa 2,212,955 pamilya o 10,306,318 katao sa 10,365 mga barangay sa 44 mga probinsya ang apektado kay Yolanda. Sa mga ito, 74,015 pamilya o 353,862 katao ang nananatili sa 1,550 evacuation centers. Nananatili naman sa 3,976 ang bilang ng mga patay, habang 1,598 ang nawawala pa. Umaabot naman sa 288,922 kabahayan ang tuluyang nagiba habang 282,884 naman ang bahagyang napinsala. Samantala, tinatayang P10,384,690,061 ang kabuuang halaga ng pinsalang natamo, kabilang ang P1,295,508,600 sa imprastruktura at P9,089,181,461 naman para sa agrikultura. Dalawang linggo na ang nakararaan mula nang tumama at halos wasakin ng bagyong Yolanda ang karamihan sa mga lugar sa Visayas at southern Luzon. Nagtungo na si Pangulong Benigno Aquino III nitong Linggo sa Guiuan sa Eastern Samar at sa Tacloban City upang tignan ang isinasagawang relief operations sa mga lugar na apektado. Ayon sa kanya, mananatili siya sa Tacloban hanggang makuntento na siya sa isinasagawang relief operations. Nauna nang nakatanggap ang kanyang administrasyon ng pambabatikos mula sa mga dayuhang media dahil sa umanoy kabagalan sa paghahatid ng tulong sa mga apektadong lugar. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News #iceburn
Posted on: Mon, 18 Nov 2013 02:34:30 +0000

Trending Topics




© 2015