"BATANG ISIP69" HOROSCOPE Agosto 6, 2013 Ni Madam Rosa (Pilipino - TopicsExpress



          

"BATANG ISIP69" HOROSCOPE Agosto 6, 2013 Ni Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) | Updated August 6, 2013 Pagtitibay: Magpasalamat sa iyong mga kahinaan, dahil sa pamamagitan nito, mara­ranasan ang kalakasang mula sa Diyos. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) —Ngayon lakarin ang dapat lakarin dahil magiging positibo ang resulta. Kung may pautang, ngayon singilin dahil tiyak mababayaran. Kung may kalakal, tiyak malaki ang kita. Kung ano ang suwerte, ngayon ay mamalasin ka. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 32, 33 at red. VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) — May katuwiran sila kaya ang maganda ay tumahimik at hangga’t maaari ay humingi ng dispensa, paumanhin o patawad. Huwag sumagot ng pabalagbag kung ikaw ay pinapangaralan o sinusumbatan ng pagkakamali dahil hahantong sa hindi maganda. Lucky numbers at color for the day ay 23, 33, 42, 44 at neon green. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) — Pag-ibig ang dahilan kung kaya ka masigla. Tiyakin na alam ang buong pagkatao ng pinag-uukulan ng pag-ibig para hindi magsisi. Walang masama kung titiyakin muna ang pagkatao ng iniibig dahil nakataya ang dignidad at pagkatao ng sarili. Lucky numbers at color for the day ay 8, 17, 36, 44 at bold yellow. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) — Alam mo kung hanggang saan ang iyong kaya. Huwag magyabang dahil ang magiging resulta ay kahihiyan dahil walang baho na hindi maaamoy. Magiging madaldal ka ngayon, alalahanin ang ka­sabihan “no talk, no mistake; less talk, lesser mistake; more talk, more mistakes.” Lucky numbers at color for the day ay 4, 24, 34, 44 at jade green. SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Dis­yembre 21) – Mag-ingat dahil nag­lipana ang maraming masasamang tao. Mag-ingat sa hold-uppers, snatchers o kidnappers. Iwasan ang maglakad ng mag-isa lalo na sa gabi. Ang tahanan ang pinakaligtas na lugar hangga’t maaari dumito ka sa buong araw. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 39, 43 at brown. CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) — Isang kaibigan o kamag-anak ang kailangan ng tulong tungkol sa pinansyal o ibang bagay at kung naisin ay may maitutulong ka. May kasabihan na “mas may biyaya ang magbigay kaysa tumanggap” na siyang totoo dahil ikaw ay mayroon at siya ay wala. Kung ano ang ipinunla ay siyang aanihin kaya balang araw may tutulong din sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 14, 17, 39, 43 at orange. AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) — Kung haharapin ang problema at magiging matatag, ang solusyon ay abot kamay lamang. Subalit kung ipag-wawalang bahala ang problema, kailan man walang solusyon na darating. Hindi kailan man maaaring takasan ang iyong problema. Ang nararapat ay kaagad na hahanapan ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 27, 33, 40 at red. PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) —Kahit anong bagay kapag sobra, ang resulta ay hindi maganda. Ang sobra mong pag-ibig, pagmamahal at pagbibigay ay siyang magiging daan sa pag-abuso ng iyong karapatan at pagkatao. Ilagay sa tamang lugar ang lahat ng bagay na hindi kulang at hindi sobra. Lucky numbers at color for the day ay 1, 4, 35, 39 at indigo. ARIES (Marso 21 - Abril 19) — Upang mapanatili ang paninindigan at pagkatao, kung anong ginawang desisyon panindigan maging ito ay tama o mali. Magsisi ka man sa ginawang desisyon, tiisin. Huwag kang mangako dahil may dahilan na hindi matutupad. Lucky numbers at color for the day ay 9, 27, 35, 37 at sky blue. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) — Kung akala mong tama ka, basta hindi ikakasama ng sarili at kapwa, ituloy. Malakas ang ESP, kaya ang kutob ay tama kung sa kabutihan gagamitin. Pero kung sa kasamaan, tiyak mapapasabit. Lucky numbers at color for the day ay 11, 27, 39, 40 at blue. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) — Kung nasa gipit na kalagayan, maaasahan ang tulong ng magulang, kamag-anak o kaibigan. Pero hangga’t makakaya, iwasan ang humingi ng tulong para mapanatili ang respeto at pagtingin. Ibuhos ang lahat ng nalalaman at makakaya para hindi umasa sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 39, 44 at green. CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) — Kung matamlay at hindi maganda ang pakiramdam, kumunsulta kaagad sa doctor upang hindi lumala. Kung maayos ang pakiramdam, makakabuti pa rin ang pagpapahinga ngunit kung may gagawin, ituloy basta mag-ingat sa matutulis at matalas na bagay. Lucky numbers at color for the day ay 19, 39, 40, 42 at aqua blue.
Posted on: Tue, 06 Aug 2013 02:23:13 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015