BATO BATO SA LANGIT, TAMAAN AY HUWAG MAGAGALIT: Magandang umaga - TopicsExpress



          

BATO BATO SA LANGIT, TAMAAN AY HUWAG MAGAGALIT: Magandang umaga po mga kababayan at kapatid: Its 4:30 olock in the morning (Philippine Time). As usual, I am awake and here I am in FB to see what is currently going on in our country. What concerns me more is to know the situations of our brothers who are victims of the typhoon Yolanda. Unang bungad pa lang po sa FB ay larawan ni Ms.Korina Sanchez natin at Mr. Anderson Cooper ng CNN ang tumambad sa akin. Nabasa ko rin ang sari saring opinion ng ating mga kababayan. Sino ang mag-aakala na ang simpling hindi pagkakaunawaan na ito ng parehong journalist ay magbunga ng sobrang apoy ng ating mga pagtatalo upang sampu ng personal na mga buhay ay ating nadadawit o nababanggit? Kung ating paglimiin ang mga pangyayari, naniniwala ako na parehong tama ang mga reports nina Korina Sanchez at Anderson Cooper kaugnay ng mga bilang ng ating sandatahang hukbo, mga PNP at iba pa nating mga volunteers para sa mabilisang pagkilos sa pagpapamudmod ng mga relief goods sa ating mga naghihirap na mga kababayan. Halos katatapos pa lamang ang unos nuong dumating si Mr. Anderson Cooper dito sa ating bansa kayat wala pa ang bilang ng ating hukbo, mga PNP at volunteers na kanyang inaasahang makikita, bagay na naireport na ni Ms. Sanchez ang bilang at dami ng mga darating base sa proklamang plano ng ating Pangulo. Wala na si Mr. Cooper nuong magsimulang magdagsaan ang pagdating ng ating hukbo, PNP at padagdag na bilang ng ating mga volunteers. Sa madaling salita ay parehong tama ang mga reports ng dalawang journalists na ito. Mga oras lang o araw ang naging deperenya upang sila ay magtugma. Iyong balik ni Ms. Sanchez kay Mr. Cooper sa report ng huli ay dala ng bugso na kalooban upang ipagtanggol tayong mga Pilipino sa maaaring isipin ng buong daigdig na tayo ay mabagal at pabaya sa pagtugon sa pangangaylangan ng ating mga biktimang mga kapatid. Alam din natin na ito ay hindi totoo. Kung bagamat ito ay nangyari ay hindi dahil ito ang gusto ng ating Pangulo kundi dahil sa kakulangan ng mgs pacilidad na gagamitin dala ng kakulangan ng ating mga sasakyan upang pasukin ang pinakaliblib na lugar na tinitirhan ng iba nating mga biktimang kapatid, not necessarily mentioning those unpassable roads that made these delivery trucks paralyzed from getting into said remote places. Sa katunayan nga, hanggang sa kasalukuyan, sa kabila ng pagdating ng ibang mga sasakyan na galing sa ibang bansa ay halos parang kulang pa rin para mapasok ang lahat ng barangay at bayan ng ilan pang kababayan na biktima pa rin ng nasabing unos sa kabila ng sabay sabay na pagtulong ng ating mga lokal na opisyales, mga mayor, Barangay officials, congressmen at gobernador. Isa pang bagay na nais kong banggitin ay tungkol po sa mga pag-atake sa ating Pangulo at mga opisyales ng ating pamahalaan. Ang corruption kung nangyayari man ay suliraning pambansa natin, hindi international problem na dapat ipaalam sa buong daigdig. Sa ayaw at gusto natin ay dapat nating tanggapin na maaring ito ay magkakaroon ng negative effect sa mga bansang nais tumulong o magdagdag pa ng tulong sa ating naghihikaos na bansa. I agree that by the doctrine or rules of command responsibility, the Aquino adminstration is corrupt. This does not mean however that Mr. Aquino himself is corrupt. Huwag na nating dagdagan pa ang problema ng ating bansa sa oras na nito ng ating kagipitan. Let us unite and work together as one tungo sa pagsagip sa ating nalugmok na mga kapatid na biktima ni Yolanda at kaunlaran.
Posted on: Sun, 17 Nov 2013 21:31:15 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015