BERLIN, Germany - Ipapadala ng Germany sa Amerika ang top - TopicsExpress



          

BERLIN, Germany - Ipapadala ng Germany sa Amerika ang top intelligence officers nito upang makakuha ng sagot mula sa Washington sa nabunyag na pang-eespiya diumano ng US sa telepono ni German Chancellor Angela Merkel. Sinabi ni German government deputy spokesman Georg Streiter, makikipag-usap sila sa US upang malinawan kaagad ang isyu. Kakausapin ng ipapadalang high level delegation ng Berlin, ang White House at National Security Agency. Gusto ng Germany na imbestigahan ang nasabing alegasyon. We are talking to the Americans to clear things up as quickly as possible, ani Streiter. A high level delegation will travel for talks with the White House and National Security Agency to push forward the investigation into the recent allegations. Kabilang daw sa ipapadala ng Germany sa Amerika ang pinuno ng foreign intelligence agency nito at local counterpart. Posible ring kasama ang chief of staff ni Merkel na si Ronald Pofalla. Una nang humirit ng paliwanag si Merkel kay US President Barack Obama. Kaagad naman itinanggi ng White House na minomonitor ng National Security Agency ang telepono ng German leader. Subalit sa isinagawang European Union summit sa Belgium, isinulong ni Merkel kasama si French President Francois Hollande na magkaroon ng no-spying agreement sa Estados Unidos. (Reuters) - See more at: bomboradyo/news/international-news/item/28894-german-intelligence-chiefs-bibisita-sa-us-re-sagot-sa-spying-scandal#sthash.PsibyG3O.dpuf
Posted on: Sat, 26 Oct 2013 01:01:13 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015