BIBLE READING MATEO 14: 1-36 1Nang mismong panahong iyon ay - TopicsExpress



          

BIBLE READING MATEO 14: 1-36 1Nang mismong panahong iyon ay narinig ni Herodes, na tagapamahala ng distrito, ang ulat tungkol kay Jesus2at nagsabi sa kaniyang mga lingkod: “Ito ay si Juan Bautista. Ibinangon siya mula sa mga patay, at ito ang dahilan kung bakit kumikilos sa kaniya ang makapangyarihang mga gawa.”3Sapagkat si Herodes ang umaresto kay Juan at naggapos sa kaniya at naglagay sa kaniya sa bilangguan dahil kay Hero­dias na asawa ni Felipe na kaniyang kapatid.4Sapagkat sinasabi ni Juan sa kaniya: “Hindi kaayon ng kautusan na mapasaiyo siya.”5Gayunman, bagaman ibig niya siyang patayin, kinatatakutan niya ang pulutong, sapagkat itinuturing nila siya bilang isang propeta.6Ngunit nang ipagdiwang ang kaarawan ni Herodes ay sumayaw roon ang anak na babae ni Herodias at labis na napalugdan si Herodes7kung kaya nangako siya nang may sumpa na ibibigay sa kaniya ang anumang hingin niya.8Sa gayon, sa turo ng kaniyang ina ay sinabi niya: “Ibigay mo sa akin dito sa isang bandehado ang ulo ni Juan Bau­tista.”9Bagaman napighati siya, ang hari ay nag-utos na ibigay iyon dahil sa kaniyang mga sumpa at dahil doon sa mga nakahilig na kasama niya;10at nagsugo siya at pinapugutan ng ulo si Juan sa bilangguan.11At ang kaniyang ulo ay dinala na nasa isang bandehado at ibinigay sa dalaga, at dinala niya ito sa kaniyang ina.12Sa wakas ay dumating ang kaniyang mga alagad at inalis ang bangkay at inilibing siya at pumaroon at nag-ulat kay Jesus.13Sa pagkarinig nito ay umalis si Jesus mula roon sakay ng bangka patungo sa isang lib­lib na dako upang mapabukod; ngunit ang mga pulutong, nang marinig iyon, ay sumunod sa kaniya na naglalakad mula sa mga lunsod. 14Ngayon nang lumabas siya ay nakita niya ang isang malaking pulutong; at nahabag siya sa kanila, at pinagaling niya ang kanilang mga maysakit.15Ngunit nang sumapit ang gabi ang kaniyang mga alagad ay lumapit sa kaniya at nagsabi: “Ang dako ay liblib at ang oras ay napakalalim na; payaunin mo ang mga pulutong, upang sila ay makaparoon sa mga nayon at makabili ng mga bagay na makakain para sa kanilang sarili.”16Gayunman, sinabi ni Jesus sa kanila: “Hindi sila kailangang umalis: bigyan ninyo sila ng makakain.”17Sinabi nila sa kaniya: “Wala tayo rito kundi limang tinapay at dalawang isda.”18Sinabi niya: “Dalhin ninyo rito sa akin ang mga iyon.”19Kasunod nito ay inutusan niya ang mga pulutong na humilig sa damuhan at kinuha ang limang tinapay at dalawang isda, at, pagtingala sa langit, bumigkas siya ng pagpapala at, pagkatapos na pagputul-putulin ang mga tinapay, ipinamahagi niya ang mga iyon sa mga alagad, ang mga alagad naman sa mga pulutong.20Kaya ang lahat ay kumain at nabusog, at tinipon nila ang labis na mga pira-piraso, labindalawang basket na punô.21Ngunit yaong mga kumain ay mga limang libong lalaki, bukod pa sa mga babae at mga bata.22Pagkatapos, walang pagpapaliban, pinilit niya ang kaniyang mga alagad na lumulan sa bangka at mauna sa kaniya sa kabilang ibayo, habang pinayayaon niya ang mga pulutong. 23Nang bandang huli, nang mapayaon ang mga pulutong, umahon siya sa bundok nang bukod upang manalangin. Bagaman gabi na, naroon siyang mag-isa.24Sa ngayon ang bangka ay maraming daang metro na ang layo mula sa lupa, na napahihirapan ng mga alon, sapagkat ang hangin ay pasalungat sa kanila.25Ngunit nang ikaapat na yugto ng pagbabantay sa gabi ay pumaroon siya sa kanila, na naglalakad sa ibabaw ng dagat.26Nang makita nila siya na naglalakad sa ibabaw ng dagat, nabagabag ang mga alagad, na sinasabi: “Ito ay isang malikmata!” At sumigaw sila dahil sa kanilang takot.27Ngunit karaka-rakang sinabi ni Jesus sa kanila ang mga salitang: “Lakasan ninyo ang inyong loob, ako ito; huwag kayong matakot.”28Bilang tugon ay sinabi ni Pedro sa kaniya: “Panginoon, kung ikaw iyan, utusan mo ako na pumunta sa iyo sa ibabaw ng tubig.”29Sinabi niya: “Halika!” Sa gayon si Pedro, pagbaba mula sa bangka, ay lumakad sa ibabaw ng tubig at pumaroon patungo kay Jesus.30Ngunit nang makita ang buhawi, natakot siya at, nang magsimulang lumubog, sumigaw siya: “Panginoon, iligtas mo ako!”31Pagkaunat kaagad ng kaniyang kamay ay sinunggaban siya ni Jesus at sinabi sa kaniya: “Ikaw na may kakaunting pananampalataya, bakit ka nagbigay-daan sa pag-aalinlangan?”32At pagkasampa nila sa bangka, tumigil ang buhawi.33Nang magkagayon ay nangayupapa sa kaniya yaong mga nasa bangka, na nagsasabi: “Tunay ngang ikaw ang Anak ng Diyos.”34At sila ay nakatawid at nakarating sa lupain sa Genesaret. 35Nang makilala siya ay nagsugo ang mga lalaki sa dakong iyon sa buong lupaing iyon sa paligid, at dinala sa kaniya ng mga tao ang lahat niyaong mga may karamdaman.36At namanhik sila sa kaniya na mahipo man lamang nila ang palawit ng kaniyang panlabas na kasuutan; at lahat niyaong mga humipo nito ay lubusang napagaling.
Posted on: Mon, 26 Aug 2013 03:16:44 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015